Sa kuwentuhan namin ng batikang broadcaster na si Cheryl Cosim, natanong niya ako kung saan maganda ilagay kung may PhP100,000 na pang-invest. Bukod sa usual na Pag-IBIG MP2, SSS WISP Plus, Retail Treasury Bond, Retail Dollar Bond, Digital Banks, Rural Bank Time Deposit at Cooperative Time Deposit, ito ang dalawang investment na binigyang diin ko sa kaniya.
Landbanking
“Imagine, Cheryl,” panimula ko, “yung mga magulang ko na bumili ng lupa noong 1975 sa halagang PhP20,000, naibenta nila ito ng ₱4 million pagkalipas ng halos 50 taon.” Yan ay equivalent ng 11% annual compounded interest rate.
Siyempre, puwede naman yan na mas maikli, mga 10 taon na time horizon sa land banking ay ok na. Sa halagang PhP100,000 kasi ay may mabibili ka nang lupa lalo na sa probinsiya. Pero be warned, hindi ito madaling maging pera. Talagang dapat mahaba ang pasensiya at pisi mo kapag ito ay papasukin.
At! Huwag kakalimutang bumili lamang ng loteng may titulo. Iwas tayo sa tax declaration lang ang dokumento dahil ang labas nito ay sakit lamang sa ulo.
Low-cost housing rental
Pagkatapos, binanggit ko ang tungkol sa low-cost housing rental. Usually kasi may mabibili ka nang low-cost housing sa halagang PhP500,000. Sa PhP100,000 na down payment, at sa tulong ng Pag-IBIG housing loan, puwede kang magkaroon ng property na magbibigay sa’yo ng passive income monthly. Ito’y isang praktikal na paraan upang kumita nang hindi kailangang magpakapagod nang husto.
Ang ganitong property ay puwedeng maparentahan ng PhP5,000 kada buwan. Makakayanan mong magbayad ng monthly amortization sa Pag-IBIG at Return on Investment ka na in 8 years.
Franchise
Ang pag-franchise ay isa sa mga praktikal na paraan upang magamit ang iyong naipong pera sa isang negosyong may potensyal na lumago. Bago sumabak sa mundo ng franchising, mahalaga na gawin ang iyong due diligence. Hanapin ang mga franchise na mayroong magandang track record at nasubukan na ang kalidad ng produkto o serbisyo. Importante rin na piliin ang franchise na umaayon sa pangangailangan at interes ng iyong target na komunidad para masigurado na ito ay tatangkilikin.
Kung pagkain ang napili mong industriya, isipin mo kung anong uri ng pagkain ang wala pa sa lugar mo o kung ano ang maaaring magbigay ng bagong lasa at karanasan sa iyong mga magiging suki. Sa kabilang banda, kung nais mong mag-franchise ng serbisyong hindi produkto, ang mga repair shop ay magandang opsyon din lalo na ngayong panahon na marami ang naghahanap ng alternatibo sa pagbili ng mga bagong gamit. Sa pagtaas ng inflation, maraming tao ang mas pinipiling magpaayos na lang ng kanilang mga sira-sirang gamit kaysa bumili ng bago.
Mag-ingat sa pagpili ng franchising opportunities na maaaring maging “gaya-gaya” o duplicating services na meron na sa iyong lugar. Ang susi sa tagumpay ay ang pagiging unique at ang pagpuno sa mga gaps sa merkado. Sa pagiging maalam at mapanuri, ang iyong investment sa franchise ay maaaring magdala ng sustainable na kita at tagumpay sa iyong negosyo.
Tandaan, sa pag-franchise, hindi lang kapital ang iyong inilalagay kundi pati na rin ang iyong oras, pagsisikap, at pag-asa sa isang masaganang kinabukasan. Pumili ng franchise na hindi lang basta usong produkto o serbisyo, kundi yung may kapasidad na magbigay ng long-term na benepisyo sa iyo at sa iyong komunidad.
Pag-iwas sa mapanlinlang na offers
Hindi ko nakalimutang bigyang-diin kay Cheryl ang kahalagahan ng pagiging mapanuri. “Huwag basta-basta maniniwala sa mga too good to be true na investment offers,” paalala ko. “Laging mag-research at magtanong-tanong bago mag-invest.”
Binigyan ko rin ng diin ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pagpili ng investment. “Anong klaseng business ang makakapagbigay ng sobrang laki ng kita? Dapat realistic tayo sa ating mga inaasahan.”
Ang pagyaman ay hindi isang sprint kundi isang marathon
“Ang susi sa tagumpay ay ang tamang kaalaman, pagpaplano, at syempre, pasensya.” Ang pagpapalago ng PhP100,000 ay hindi lang tungkol sa kung saan ito ilalagay, kundi pati na rin kung paano ito pagyayamanin sa paglipas ng panahon. Sa tamang diskarte at kaalaman, ang bawat Pinoy ay maaaring magtagumpay sa larangan ng investments.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent