was successfully added to your cart.

Cart

Saan Ilalagay ang Php10K mo ngayong 2024?

 

Mga KaSosyo at KaNegosyo, usapang pera tayo! Ngayong 2024, marami sa atin ang naghahanap ng tamang paraan kung saan ilalagay ang ating hard-earned na Php10,000 para sa investment. Mahalaga ito lalo na sa panahon ngayon, kaya’t atin itong pag-usapan.

Kailangan natin isipin ang SEXY investment framework – isang paraan para makapili ng tamang investment. Tandaan, S for secure, E for encashable, X for the x-factor (like environmental and social impacts), at Y for yield o yung tinatawag na kita.

Unahin natin ang investment sa emergency savings dahil ito ang pundasyon sa mayos na paghawak ng pera. Magandang ilagay ito sa Commercial banks, Digital banks, Rural bank time deposits, at Coop time deposits. Mababa man ang interest sa commercial banks, pero reliable at laging andyan lang. Sa digital banks naman, mataas ang interest at super convenient.

Dapat handa tayo for retirement, kaya ang next na maganda mong pag-investan ay ang SSS. Para sa mga kasambahay, ang minimum contribution sa SSS ay Php 150 per month, at Php 560 naman para sa regular employees, self-employed at voluntary members. Ang mga OFWs, Php 1,120 ang minimum.

Isang option din ang Pag-IBIG MP2, na isa sa mga paborito natin. Ito ay isang voluntary savings program ng gobyerno. Php 500 lang ang minimum, tax-free, at government-guaranteed! Isa ito sa mga pinakamagandang options lalo na kung long-term savings ang hanap mo.

Retail Treasury Bonds (RTB) at Retail Dollar Bonds (RDB) naman ay para sa mga nais suportahan ang financial journey ng ating gobyerno. Ang mga ito ay guaranteed ng gobyerno at isang magandang paraan para makatulong sa economic development ng bansa.

Ang susi dito ay consistency. Magsimula ka sa maliit, at unti-unti itong lalaki. Huwag kang panghinaan ng loob kahit maliit pa ang iyong naipon. Ang importante ay ang pagiging masinop at ang pagnanais na lumago ang iyong ipon.

Ating tandaan, hindi kailangan maging bongga agad ang ating investments. Mahalaga na secure, encashable, may positive social at enevironmental impact, at may magandang yield. Huwag din kalimutan na i-check ang inyong mga options at piliin ang pinaka-angkop sa inyong sitwasyon at pangangailangan.

Lagi nating isaisip na ang yaman ay hindi lang nasusukat sa kung magkano ang ating naipon, kundi sa kung paano natin ito pinalago at ginamit para sa ating kinabukasan. Magsimula na tayo sa pag-invest ngayon!

 

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: