was successfully added to your cart.

Cart

 

Mga KaSosyo at KaNegosyo, oras na para sumilip tayo sa loob ng Rosario 1 & 2 Joint Venture Savings, isang kakaibang rental property joint venture savings na handog ng SEDPI Coop. Alam niyo ba, dito, hindi lang basta kita ang usapan, kundi ‘yung paglago ng ating pinaghirapan sa isang unique na paraan – profit and loss sharing scheme, hindi lang ‘yung tipikal na fixed interest rate.

Isa itong proactive savings system. Bakit? Kasi may say tayo, alam natin kung saan napupunta ang ating pinag-ipunan. Hindi ito ‘yung tipong bulagang investment. Alam natin ‘yung direksyon ng ating pera.

Ano nga ba ‘yung goal ng ating real estate joint venture savings? Simple lang, KaSosyo: mag-provide ng affordable at decent housing para sa mga low-income households. ‘Di ba nakakataba ng puso? Hindi lang kasi tayo kumikita, tumutulong pa tayo!

Sa Rosario 1 & 2, may pagkakataon tayong mag-invest sa isang property na may 400 m2 na floor area, kung saan:

  • ang first floor ay may three units na nirenrentahan ng SEDPI KaLusog clinic.
  • ang second floor ay may 2 units na nirerentahan ng SEDPI KaNegosyo headquarters at Rosario branch.
  • may natitira pang isang unit na commercial space for rent

Imagine, KaNegosyo, ‘yung kita dito, shared sa atin based on contribution. Transparent, ‘di ba? Kahit ‘yung tax payments, covered na.

Ngayon, tanong mo siguro, “Paano ako makakasali?” Easy lang ‘yan, KaSosyo! Una, attend ka ng online Pre-membership Education Seminar. Sunod, ideposit mo ‘yung initial share mo at membership fee, tapos open ka ng joint venture savings account. And voila! Isa ka nang proud investor sa Rosario 1&2.

Teka, hindi pa tayo tapos, KaSosyo! Let’s talk numbers. Kunwari naglagay ka ng ₱10,000, ang potential return mo for 2024 ay between 6.04% to 7.57%, depende kung gaano karami ang na-upahang units. Wow, ‘di ba? Pero syempre, may risks, pero ‘yan ang beauty ng joint venture savings, shared risks, shared rewards.

So, ano, game ka na ba? Tara na, sumali na sa SEDPI KaSosyo community. Ito ‘yung chance mo na maging part ng isang malaking movement – na hindi lang basta nagpapayaman, kundi nagtutulungan pa. Sama-sama tayo, KaSosyo, sa pagtahak sa daan ng financial stability at empowerment.

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: