was successfully added to your cart.

Cart

Return on investment (ROI) ang pinakamadaling gamitin at maintindihan ng mga Filipino kung pag-uusapan. Karaniwang sinasagot kasi nito kung kailan maibabalik nang buo ang inilabas na pera para sa investment. 

Halimbawa, naglabas tayo ng PhP1 million at bawat taon, tayo ay babayaran ng PhP100,000. Gaano katagal maibabalik ang inilabas nating pera? 

Kung 10 years ang sagot mo, may tama ka! 

Formula

Kinakailangan nating malaman ang total amount of investment bilang isa sa mga variable ng ROI formula. Tinatawag din itong initial outlay kung saan inililista lahat ng mga kaakibat na inilabas na pera para sa investment hindi lang ang puhunan. 

Pagkatapos, inaalam ang pagbabalik ng pera galing sa investment. Maaring pare-pareho ang panahon at laki ng perang pumapasok; maari ding hindi. 

Madali lang ang i-compute ang return on investment based on time i-compute kung pare-pareho ang pagitan ng panahon at amount ng payouts o repayments sa iyo katulad ng example natin kanina. 

Ito ay ROI = Total investment / Payout or Repayment. Ang total investment ay perang palabas, cash outflow, samantalang perang papasok o cash inflow naman ang payouts o repayments. 

Inflation

Madaling maintindihan ang ROI pero ito ay isa lamang sa madadaling financial ratios na tinitingnan upang magkaroon ng idea kung gaano katagal maibabalik ang perang inilabas sa investment. Pero, kulang ang interpretasyon ito dahil hindi nito isinasaalang alang ang inflation. 

Sa halimbawa nating PhP100,000 na payouts every year sa PhP1 million, kapag nabawi na natin ito nang buo after 10 years, mas mababa na ang halaga nito dahil sa inflation. 

Time value of money

Bukod sa ROI, maganda ding matuto sa time value of money kung saan idinadagdag ang epekto ng inflation sa equation. Dito makikita ang pagkakaiba ng present value, future value at net present value. 

Basahin ang time value of money para matuto at madagdagan ang kaalaman sa investments. 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: