was successfully added to your cart.

Cart

Sa pag-define ng ating retirement goals, ang kailangan talaga nating gawin ay mag-imagine. Ano ba ang itsura ng inyong dream retirement? Anong klaseng retirement ang magbibigay sa inyo ng kaligayahan at kasiyahan? Isipin ninyo, ano ba ang hitsura nito para sa inyo? Yung tipong hindi na kailangang gumising ng maaga para pumasok sa trabaho, tama ba?

 

Gusto mo bang mag-travel? Kasama ba ‘yan sa inyong retirement plans? Gusto ninyong gawin ang anumang naisin nang hindi iniisip ang gastos. Sarap nun, ‘di ba? Kumain sa labas, at kapag dumating ang bill, walang problema. Gusto mo bang magvolunteer, o may iba ka pang gusto gawin? Gusto mo bang mag-spend ng oras kasama ang pamilya?

 

May hobby ka ba na gusto mong simulan o ipagpatuloy? Gusto mo bang mag-paint, mag-volleyball, mag-vlog, o mag-garden? Gusto mo bang magtayo ng part-time business? Imagine your retirement. Sa pag-imagine ng retirement, magandang exercise ito. Ano ba ang daily routine mo? Kasi ngayon, may trabaho tayo, gigising tayo sa umaga, alam natin ang routine. Pero kapag nag-retire na tayo, paano na? Ano ang magiging daily routine mo?

 

Halimbawa, si Edwin, noong nag-volleyball siya, siya lang ang available buong linggo. Yung mga kaibigan niya, weekend lang. So, ano ang iniisip mong daily routine? Ako, pag nag-retire, gusto ko mag-garden, magkape, mag-yoga, magsulat. Parang gusto ko talaga ang pagsusulat, pag-produce ng content, paggawa ng explainer videos.

 

Tingnan mo rin weekly, monthly activities mo. Sabi ko, gusto ko once a week may mapuntahan ako na magandang beach. Iniisip ko nga mag-retire sa Agusan, ‘di ba? Dahil sa Enchanted River. Ano ba ang mga yearly goals mo? Kami ng pamilya, nagkikita-kita yearly para magbakasyon. So, envision your daily, weekly, monthly, and yearly goals.

 

Kung ako, tinitingnan ko, ako’y 45 na. Kung mabubuhay ako hanggang 80, may 35 years pa ako. Anong mga yearly activities ang pwede kong planuhin? Si Edwin, gusto niyang magkaroon kami ng hostel, siya sa counter, para makipagkwentuhan sa mga kabataan, mag-people watching.

 

Ano ang inyong retirement age target? Gaano katagal ang inyong retirement? Bukod dito, tingnan din natin ang family dynamics, responsibilidad, at kung paano tayo makakatulong sa iba financially. Ano ang legacy na gusto nating iwan?

 

Gumawa kayo ng collage ng inyong ideal retirement. Cut and paste lang ng pictures sa internet, ilagay sa board. I-share sa pamilya para mag-inspire sa isa’t isa. Malay ninyo, may mga retirement ideas pala ang iba na hindi natin naiisip.

 

Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: