Kapag may mga laktaw sa hulog sa SSS, maaaring mas mababa ang benefit na makukuha o tuluyang hindi magqualify sa mga benefits at loan programs nito.
Remember, nakabase sa number and amount contributions ang SSS benefits. The more the merrier! Kaya mainam pa rin na tuloy-tuloy at walang laktaw sa pagbabayad.
Soooo, anong gagawin kung may mga laktaw sa kontribusyon. Puwede ba itong mahabol?
SSS contribution payment for OFWs
Good news kung ikaw ay OFW! Kung may hindi nabayarang hulog mula January to September, may time ka pang mahabol na bayaran ang mga ito hanggang December 31 ng kasalukuyang taon. Kung ang nakaligtaang bayaran ay ang hulog from October to December ng kasalukiuyang taon, may time ka pang mahabol ang mga ito hanggang January 31 ng susunod na taon.
SSS contribution payment for employees
Kapag ikaw ay empleyado, automatic na kakaltasin ng employer ang iyong SSS contribution counterpart sa suweldo mo. Required ang employer magbayad ng iyong SSS contribution sa huling araw ng susunod na buwan para sa applicable month.
To make sure na nareremit ng employer ang SSS contribution mo, icheck ito sa iyong My.SSS account by logging in to this website member.sss.gov.ph. Ireport agad sa employer kung may kulang o laktaw sa mga hulog para maayos ang discrepancy.
Kung hindi nagbabayad ang employer mo ng iyong contribution, ireport ito agad sa SSS. Criminal offense sa employers ang hindi pagbabayad nito.
Self-employed and voluntary members
Ang mga self-employed members, voluntary members kasama na rin ang ang household employers ay kinakailangang magbayad ng kanilang monthly contrbution sa huling araw ng susunod na buwan para sa applicable month.
Kung may laktaw, maari pa itong habulin sa calendar quarter payment due date. Ang January to March na laktaw sa kontribusyon ay may hanggang April 30 na puwedeng bayaran. April to June na laktaw hanggang July 31; July to September na laktaw hanggang October 31; at October hanggang December na laktaw hanggang January 31 ng susunod na taon.
Retroactive payment
Bawal ang retroactive, in general, sa SSS contributions. Ito ay para maging patas ang pagtrato sa mga regular na naghuhulog. Pero maari nating itake advantage ang mga palugit sa pagbabayad na nabanggit ko. We can think of this as some sort of grace period.
Advanced payments
Maaring magbayad in advance ng iyong SSS contribution ng kahit ilang buwan o taon. Kung may adjustment sa monthly salary credit in the future, babayaran na lang ang kulang para hindi yung mas mababang monthly salary credit ang mapost.
Kung empleyado, wala ka na dapat isipin sa pagbabayad ng SSS contribution dahil ang empployer mo ang required magbayad nito. Pero para sa mga self-employed at voluntary members, I suggest na bayaran ang buong taon ng SSS contribution, kung kaya sa budget. Ito ay para hindi na buwan-buwang nag-iisip sa pagbabayad.
I do not advice na magbayad ng contribution up until your retirement age dahil talo sa time value of money dahil sa inflation. Tsaka baka magkaproblema pa sa records mo dahil masyado kang advance mag-isip.
Magbukas ng SSS Flexi or PESO fund para kung may excess payment ka man sa iyong contribution, automatic dito mapupiunta. May additional fund ka for your retirement.
Prioritize SSS contribution
Kapag mas marami ang hulog, mas malaki ang benpisyo. Sa dami ng benepisyong binibigay ng SSS at sa halaga ng hulog o kontribusyon natin dito; walang private insurance company o pension provider ang tatalo sa SSS.
Kaya kung ako sa inyo, gagawin kong priority ang SSS. Unahin ang SSS contribution sa personal money management.
.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent