was successfully added to your cart.

Cart

Rank and file at kasambahay mas mataas ang financial life stage kaysa sa mga managers

Akala ng karamihan, pera ang solusyon sa kanilang problema sa buhay. Lagi kong iginigiit na hindi ito totoo.

Nagbigay ako ng training sa isang malaking negosyo. Magkahiwalay sa grupo ang mga rank and file at managerial level.

As usual, ipinagawa ko ang money in, money out (MIMO) at statement of assets liabilites and net worth (SALN) upang malaman ang kanilang financial status.

Lower expenses needs low passive income

Nang lumabas ang resulta, nakita kong mas maraming rank and file ang mas mataas ang kanilang financial life stage kaysa sa mga nasa managerial level.

Kahit na maliit ang kinikita ng mga nasa rank and file, malayong mas maliit ang ginagastos nila kumpara sa mga nasa managerial level. Karamihan din sa rank and file ay may maliit na paupahan; kaya nagresulta ito sa mas angat na financial life stage dahil maliit din ang kanilang buwanang gastos.

More money, more problems

Malaking bahagi ng ating magiging pasanin financially ang napili nating lifestyle. Dala marahil ng laki ng sahod at kakayahang kumita kaya naging madali ring itaas ng mga nasa managerial posts ang kanilang lifestyle.

Choosing a simple life

Si manang Fe ang una naming naging kasama sa bahay noong bagong lipat kami. Baon siya sa utang noon at kasalukuyan pang nagpapaaral ng kaniyang mga anak.

Matapos ang halos limang taon, grumaduate na siya sa pagiging kasambahay at umuwi na sa kanila. Tinulungan ko siyang ayusin ang kaniyang financial plan at inisa-isa naming tuparin ang kaniyang mga financial goals.

Unang natapos bayaran ang kaniyang utang sa loob ng isa’t kalahating taon. Sunod ang pag-iipon para maipagawa niya ang kanilang bahay para magkaroon ng boarding house. Panghuli, ang mapatapos ang kaniyang mga anak.

Sabi niya kahit kalahati lang ng kaniyang sinusuweldo ay makuha na niya sa kaniyang boarding house, ayos na. After 5 years sa amin, nakuha na niya yun.

Para sa kaniya, sapat na ang maliit na halaga basta’t makabalik na siya sa kanila para makapiling ang kaniyang mga anak.

Kani-kaniya tayo ng gusto sa buhay. Pero kung pipiliin natin ang simpleng pamumuhay, basta masaya kasama ang mga kaibigan at pamilya, mas magaan ito sa bulsa.

Money is just a tool

Hindi pera lang ang solusyon sa mga problema sa buhay. Kadalasan mas epektibo kung dadagdagan ito ng pagbabago sa pananaw at pagbabagong buhay.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: