Have a Question?
Mga KaSosyo at KaNegosyo, marami nang fancy investment products, pero kung wala kang solid base, sayang ang pinaghirapan mo. Kaya pag-usapan natin kung paano ko pinu-protektahan at pinalalaki ang pera gamit ang pinaka-basic—but proven—na mga option.
SSS at Pag-IBIG MP2: Huwag Mamaliitin
Una sa lahat, SSS pa rin ang backbone ng retirement mo. Maximize mo ang contribution; may pension booster na rin ngayon. Kasama din diyan ang Pag-IBIG MP2, na:
- Tax-free
- 100 percent government-guaranteed
- Long-term savings (5 years)
Pro tip: Kapag 55 ka na, mag-open ka ng isang MP2 account tuwing birthday mo. Halimbawa:
- Age 55: unang MP2
- Age 56: pangalawang MP2 account, stop mo na hulugan yung unang account.
- Age 57: pangatlong MP2 account, stop mo na ring hulugan ang second account
- Age 58: pang-apat na MP2 account, stop na ang hulog sa third account
- Age 59: panglimang MP2 account, stop na ang hulog sa fourth account
- Age 60: Matured na yung hinulugan mong first account. Maari mi itong gamitin in full or partial. Kung partial o di gagamitin, open ka ulit ng another MP2 account at irollover mo dito, at kung kaya mo hulugan mo ulit.
- Age 61: Repeat what you did at age 60
Gets? This way, siguradong may pera tayo upon our retirement.
Pag-retire mo at may lump sum retirement benefit kang matatanggap, i-apply mo ’tong strategy:
- Kung may lump sum kang makukuha, hatiin sa lima.
- Buksan ang limang MP2 para may option kang i-terminate yung amount na kailangan mo lang na cash. Hindi mo kailangang ipreterminate ang buo, para iwas penalty..
Pang-Tuition? Kaya rin!
Kung 12 years old pa lang ang anak mo ngayon, mag-open ka na ng MP2 every year. Pagdating ng college, may yearly maturity kang pang-tuition.
Ang prinsipyo ko: Investing should be boring—steady and consistent. Ayaw mo ng roller-coaster ride o yung tipong kabado kang matulog.
Coop Time Deposit
Mataas ang interest rate, pero mas maproseso:
- Kailangang umattend ng Pre-Membership Education Seminar (PMES)
- May babayarang membership fee
- Minsan, required magparticipate sa damayan
- Minsan may residency requirement
Pumili ng Matibay na Coop
- At least 10 years na in existence
- Pag-aari nila ang headquarters
- Coop PESOS score > 80 points
Diversify. Wag ilagay lahat ng pera sa iisang coop.
Advantages ng coop time depositsBentahe
Ang advantages ng coop time deposits: mataas na interest, tax-free ang earnings, at usually walang ATM kaya hindi madaling mawithdraw – perfect iwas sa temptation para makaipon ng emergency fund. Higit sa lahat, malinaw na small entrepreneurs at typical employees ang nakikinabang, hindi malalaking businesses.
Sa kabilang banda ang mga disadvantages, hindi ito covered ng Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC tulad ng mga bangko. Usually, limited ang online access at karaniwang over the counter ang transactions.
Rural Bank Time Deposits
- PDIC-insured hanggang Php1 M bawat bangko (hindi per bank account)
- Withdrawable anytime (lower interest kung pre-terminate)
- May X-factor—suporta sa lokal na ekonomiya
- Tip: 5 years + 1 day para tax-free ang interest
- Puwede kang mag-request ng settlement account for monthly interest payout
CAMELS rating: pumili ng rural bank na may rating 3 o mas maganda.
Real-Life Bank Closure Story
Nag-lagay ako ng Php400k sa rural bank na nag-o-offer ng 13 percent per annum. Nagsara! Dahil PDIC-covered, nakuha ko ang Php500k insured limit matapos magsumite ng requirements—kahit messenger lang ang nag-lakad. Nasa 580K na dapat dahil sa interest pero until 500K lang ang covered ng PDIC that time.
Government Bonds
- Government-guaranteed
- Puwedeng ibenta sa secondary market (pero posibleng mas mababa sa face value)
- May social impact dahil pinopondohan ang pampublikong proyekto. Sana lang di kurakutin, no?
Ako si Sir Vince Rapisura, ang inyong financial guro.
Tandaan: Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
Backlink: Retirement building blocks
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent