was successfully added to your cart.

Cart

Prenuptial Agreement: Proteksyon o Hadlang sa Pag-ibig?

React muna tayo sa isyu ng prenuptial agreement. Tayo ba ay pabor dito? Yes or no? Naitaas ang isyung ito sa isang fast talk interview ni Boy Abunda, kung saan kinumpirma niya ang paghihiwalay ni Dominic at ni Bea. Nakakalungkot isipin na may mga pag-iibigang nagwawakas.

 

Gusto lang natin ipaabot kay Dominic at Bea na sana, kung sila talaga ang para sa isa’t isa, ay maayos pa nila ang kanilang relasyon. Ngunit kung hindi, marahil ay mas mabuti na itong nangyari bago pa mahuli ang lahat.

 

Ngayon, ano ba talaga ang prenuptial agreement? Usap-usapan na ito ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi natin ito kinukumpirma, sumasabay lang tayo sa mga chismis. Ang prenuptial agreement, na kilala rin bilang ante-nuptial o pre-marital agreement, ay tinatawag sa Family Code bilang marriage settlements.

 

Ang prenuptial agreement ay nagbibigay-daan sa mag-asawa na ayusin ang kanilang ari-arian sa loob ng mga limitasyong itinakda ng Family Code. Ibig sabihin, dapat hindi lalabag sa ating Family Code.

Bakit ba may prenuptial agreement? Kapag ikakasal, may epekto ito sa ating mga ari-arian. Lahat ng pag-aari bago ikasal at ang mga na-acquire habang kasal ay magiging joint property. Ito ang dahilan kung bakit may mga gumagawa ng prenup.

 

Ayon sa Family Code, ang default ay absolute community of property, ngunit subordinate ito sa anumang prenuptial agreement. Ibig sabihin, kung mayroon kayong napagkasunduan bago ikasal, ito ang mananaig.

 

Ang prenuptial agreement ay nagbibigay ng kakayahan sa mag-asawa na kontrolin ang kanilang legal rights sa oras ng kasal at kung ano ang mangyayari kung ito ay magwawakas sa pamamagitan ng kamatayan o diborsyo. Maaaring itakda kung ano ang magiging exception sa magiging joint property at kung paano ito hahatiin kung sakaling maghiwalay o mamatay ang isa.

 

Sa totoo lang, mas relevant ito sa mga mayayaman. Pero isa sa mga benepisyo na nakikita natin dito ay ang paglago ng relasyon mula sa simula hanggang sa kung saan ito patungo. Maaaring sabihin na ang mga earnings sa hinaharap, kapag kasal na, ay hiwalay sa joint property.

 

Kaya, kung si Edwin, ang aking life partner for 21 years, man ay magyaya sa akin na magpakasal at magpapirma ng prenuptial agreement, para sa akin, ang mahalaga ay ang relasyon, hindi ang ari-arian. Ito rin ang reaksyon ng marami, tulad ni Lilibet na nagsabing, “Agree!”

 

Dapat din nating tignan kung financially compatible ba kayo ng iyong partner. Mahalaga ito lalo na’t malapit na ang Valentine’s Day. Dapat pag-usapan ang financial disclosure, setting financial goals as a couple, pagkakasundo sa needs and wants, at pagplano sa financial stability ninyong dalawa. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng parehong values at life goals.

 

Pagdating sa financial disclosure, mahalagang malaman ang financial status ng iyong partner. Pag-usapan ang utang, existing at future financial obligations. Importante rin ang pag-uusap tungkol sa pera sa simula pa lang ng relasyon.

 

Dapat i-organize ang financial records, magkaroon ng proper filing ng mga ITR, bank at credit card statements, at ilagay ang mga mahahalagang dokumento sa fireproof safety deposit box. Pag-set din ng financial rules at pagkakaroon ng joint at personal accounts para sa financial freedom.

 

Mahalaga ang pagkakaroon ng ‘ako’, ‘ikaw’, at ‘tayo’ sa relasyon. Pag-usapan ang regular expenses, big ticket items, at mag-set ng financial goals o life goals ninyo together. Pag-usapan din ang needs and wants at kung paano ito i-aaddress.

 

Sa huli, ang goal natin sa pagpasok sa isang relasyon ay hindi sa paghahanap ng taong kapareho ng yaman o financial means, kundi ang paghahanap ng taong tugma sa iyong financial values at life goals. Ang financial journey ay dapat nakabase sa mutual understanding, compromise, at sana ay humantong sa growth.

 

Ako po si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing ang pagyaman ay dapat pag-aralan at pagtulungan. Love guro din ako tonight, in fairness.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: