Isa sa mga iniiwasan ng Islamic finance ang pagkakaroon ng kita mula sa interest. Itinuturing na riba o usury ang interest sa pera dahil para sa kanila ang pera ay walang intirinsic value. Ito lamang ay ginagamit na nagririprisinta ng value kaya hindi dapat ito kumikita at wala dapat charge sa paggamit nito.
Kinakailangang asset-backed ang pera at ginagamit ito sa produktibong bagat tulad ng negosyo o investment bago kikita. Bawal na ang pera kikita dahil lang sa paglipas ng panahon.
Maganda ang Islamic finance dahil sa risk sharing mechanism nito. Pinaghahatian ng mga investors at negosyante ang maaring kita o pagkalugi na kinakailangang mapagkasunduan bago pa simulan ang negosyo o investment.
Narito ang mga halimbawa ng Islamic finance arrangements o strcutures na maari din nating gawin kahit hindi tayo mga Muslim.
Ijara
Isang leasing agreement ang Ijara kung saan ang financial institution ay bibili ng ari-arian o asset para sa customer; at paparentahan ito sa customer sa napagkasunduang panahon. Pagdating ng napagkasunduang panahon, ililipat ang pagmamay-ari ng asset sa customer mula sa financial institution.
Murabaha
Pagpapautang ito sa tinatawag na cost plus profit strategy. Bibilhin ng financial institution ang asset at ibebenta ito sa customer on an installment basis sa napagkasunduang panahon.
Pinapayagang maglagay ng patong ang financial institution sa ibebentang asset para kumita ito at para din makabawi sa deferred payment basis nito. Sa conventional banking or financing, tuloy-tuloy ang pagpapatong ng interest at may kasama pang penalties kung hindi makakapagbayad sa tamang oras ang customer anuman ang dahilan.
Walang ganitong mekanismo sa Islamic finance, bagkus ay paghahatian ang pagkalugi base sa kapital na inilabas para pondohan ang asset. Kailangang pag-usapan at dapat malinaw ang hatian ng kita at pagkalugi bago pa magsimula ang murabaha.
Musharaka
Maihahalintulad ang musharaka sa joint venture na isang uri ng investment partnership. Ang profit-sharing ay pagkakasunduan sa simula ng joint venture.
Ang pagkalugi ay nakabase kung magkano ang inilagay na kapital ng bawat investor, partner o joint venturer. Loss follows capital ang tawag sa mekanismong ito.
Sukuk
Kapareho ng corporate bond ang sukuk. Ang kaibahan ay maaring malugi sa sukuk samantalang sa conventional bond, ginagarantiya ng bond issuer ang pagbabayad sa bond holder.
Ang mg bond holders sa sukuk ay nagmamay-ari sa biniling asset ng bond issuer. Kinakailangang may inderlying asset na nakakabit sa bond at hindi pupuwedeng walang paliwanag kung saan gagamitin ng bond issuer ang proceeds ng bond.
Wakala
Agency agreement ang wakala kung saan appointed ang isang agent na mag-manage ng funds on behalf of investors. Kikita ang agent sa serbisyong ito pero hindi siya kasama sa pag-absorb ng losses ing investors.
Malaki ang responsibilidad ng agent sa wakala na siguraduhing hindi haram ang pinaglalagyan ng pera ng mga investors. Kinakailangang ding magbigay siya ng maayos at napapanahong impormasyon upang makapag-desisyon ang mga investors.
Mudaraba
Investment arrangement kung saan ang isang partido ay nagbibigay ng kapital at ang kabilang partido naman ay magbibigay ng kaniyang entrepreneurial and management expertise. Magkahalong musharaka at wakala ang mudaraba.
Takaful
Mutual insurance na non-profit ang takaful. Ang mga miyembro nito ay nagbibigay ng contribution at ang contribution ay ilalagay sa mga investments para gamitin ang mga ito sa panahon ng sakuna, kalamidad at emergencies.
Mahalagang i-emphasize ang non-profit feature ng takaful. Kapareho ng damayan sa mga Tagalog, dayung sa mga Bisaya at saranay sa mga Ilocano ang takaful.
Clearly documented obligations and balanced agreement
Ang mga investors at financial institutions na sumusunod sa Islamice finance ay kikita sa pamamagitan ng kalakal (trading activity) at kita mula sa mga negosyo ng customers nito. Nagagawa ito sa profit-sharing principle.
Katumbas ng profit sharing ay ang risk sharing mechanism ng investors at financial institutions sa customers upang maiwasan ang haram tulad ng riba. Mabibigyan ng solusyon ang mga challenges na ito sa pmamagitang ng pagkakaroon ng malinaw na kontrata bago pa magsimula ang business or investment activity.
Kinakailangan ding balanced ang agreement o kasunduan kung saan walang agrabyado at llamado. Dapat just at patas.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent