was successfully added to your cart.

Cart

Planning your financial future: Paano hatiin ang short at long term goals?

Hello KaSosyo and KaNegosyo!

Gusto mo ba maging ready pagdating ng retirement? Tip ko for today ay all about sa pagpaplano at paano i-achieve ang dream retirement fund mo!

 

Plano Mo, Sisimulan Mo Ngayon!

Kailan ba dapat magstart ng financial planning? Kanina pa, bes! Pangalawa sa ating tips sa financial planning ay ang magic ng pagpaplano nang maaga. Remember, maaga pa lang, dapat ready ka na!

Simple lang ang formula. Una, hatiin ang iyong goals into short term at long term. Para clear sa’yo: kapag within 1 year, short term ‘yan. Kapag lagpas 1 year, long term na. Pero wait, kapag 2-5 years, medium term ang tawag diyan. Easy, diba?

Halimbawa, 40 years old ka na ngayon at gusto mo mag-retire ng 60 with a whooping 10 million pesos sa banko. So, 20 years ang preparation time mo. Do the math: 10 million divided by 20 equals 500,000 pesos yearly. So, in one year, kailangan mong i-save ang 500,000 pesos. Pero don’t worry, may magic tayo diyan called the power of compounding of interest.

Isipin mo, ‘yung 500,000 pesos na ‘yan, i-break mo into smaller goals. For instance, ilalagay mo ang P10,000 every month mula sa sweldo mo. That’s P120,000 yearly. Paano naman yung remaining P380,000? Let’s say may rental property ka na nagbibigay sayo ng P40,000 kada buwan, so ‘yan ay P480,000 yearly. Ang laki, ‘di ba?

Ang trick dito, KaSosyo and KaNegosyo, ay ang pag-focus sa tatlong financial goals yearly. Simplify natin ang life. Hindi mo kailangang ma-stress sa malalaking numbers. Hatiin mo lang ito sa mas smaller, manageable na goals.

So, what’s the lesson for today? Huwag kang matakot sa malalaking goals. Hatiin ito, planuhin ng maayos, at act on it. Sa ganitong paraan, sure-ball na ang pagyaman mo in the future.

 Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: