was successfully added to your cart.

Cart

PhP20 sa Bigas: Abot-kamay Ba o Pangako Lang?

Mga KaSosyo at KaNegosyo, alam nating lahat kung gaano kahalaga ang presyo ng bigas sa bawat Filipino household. At ang bawat pagbabago dito, malaki ang epekto sa ekonomiya at araw-araw nating pamumuhay. Yung pangako na gawing PhP20 bawat kilo ang bigas, talaga namang nagbigay ng ingay. Pero sa dami ng pagbabago at hamon sa merkado ng bigas, kaya nga ba?

 

Hindi bago ang presyo na PhP20 sa atin. Sa nakaraang mga taon, may mga panahon na nakaabot tayo sa mababang presyo ng bigas, tulad ng pag-alala ni Rep. Rhea Vergara na may panahon na PhP27 per kilo lang ito. Dahil dito, mataas ang expectation ng publiko na gawing mura ang bigas.

 

Ayon kay Congresswoman Rhea Vergara, bagamat sa mga unang pulong, sinabi nilang mahirap abutin ang PhP20 per kilo, sa ilalim ng ilang kondisyon, baka posible ito. Sabi ni Vergara, “Kung ang Department of Agriculture ay magbibigay ng inputs, na pinakamahal sa farming, kung bibigyan natin ng tamang seeds ang ating mga magsasaka, 100% support sa kanila sa pataba…oo, posible ang 20 pesos.” Pero may duda rin siya sa sustainability nito, mas realistic daw ay between PhP38 hanggang PhP40 per kilo.

 

Oo, magiging masaya ang mga consumers sa presyo na PhP20, pero higit pa ito sa affordability. Dahil dito, may mga hamon para sa mga traders at retailers na kailangang mag-adjust sa kanilang kita. Dagdag pa, may pressure ito sa gobyerno at sa mga ahensya tulad ng NFA na mag-intervene, tulad ng pagbibigay ng subsidies. Sa pulitika, kung matutupad ang pangako ng PhP20, bonus points sa gobyerno pero kung hindi, baka magdulot ito ng public discontent.

 

Ang pangako ng PhP20 sa bawat kilo ng bigas ay malakas na political pledge, na ipinapakita ang commitment ng gobyerno para sa affordable living. Pero base kay Rep. Rhea Vergara at sa mga pangyayari, ang pag-abot at pagmaintain sa presyong ito ay nangangailangan ng strategic interventions, malakas na suporta sa agrikultura, at pagtingin sa mas malawak na implications nito. Political promise man o practical solution, patunay ito sa komplikadong relasyon ng ekonomiya, politika, at buhay ng bawat Filipino.

 

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: