Nitong September 25, 2019, naimbitahan tayong maging moderator sa Finovation 2019 ng eCompareMo.com. Ito ang unang roundtable discussion ng summit matapos ang keynote speech ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor, Benjamin Diokno.
Nang tanungin ko ang Managing Director ng Center for Learning and Inclusion Advocacy na bahagi ng BSP, Ms. Pia Bernadette Tayag ang mga ginagawa nito para mapaigting ang pagkakaroon ng malayang paggamit ng mga financial services sa bansa (financial inclusion), ibinahagi niya ang basic deposit account.
Ang basic deposit account ay ang isang savings account sa anumang bangko kung saan pinapadali nito ang pagkakaroon ng savings account Ito ang laman ng Circular 992 ng BSP na ipinatupad noong February 2018.
Una sa lahat, pinapadali nito ang mga documentary requirements para makapagbukas ng savings account sa anumang bangko. Alam naman natin na mahigpit na ipinapatupad ang pagkakaroon ng government-issued ID, lalo na sa mga commercial banks.
Ang minimum account opening deposit ay hindi dapat lalagpas sa PhP100, wala itong minimum maintaining balance at wala ring dormancy charges. Sa mga ganitong features, malayang makakapagbukas ang karaniwang Filipino ng kanilang bank account at ma-enjoy ang mga pakinabang ng pagkakaroon nito.
PhP50,000 ang maximum balance para sa basic deposit account. Kapag ang balance o laman ng basic deposit account ay lalagpas na dito, mako-convert ito bilang regular deposit account.
Para mabigyan ng incentive ang mga bangko na ipatupad ito, hindi na sila kinakailangang maglaan ng reserve requirement para sa basic deposit account.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent
Hi Vince…so what is the only basic requirements needed to open this basic account. I want to know because my household staff long wanted to have their own atm acct but because of some limitations in producing requirements, they are unable to do such. Im happy with this basic acct as it seems possible for them to do this now. I am encouraging them to save part of their earnings…thank you.
at least one gvernment-issued ID. kung wala po, any ID and a letter from you to the bank vouching their identity. This will help if you are already a long time customer with the bank.