was successfully added to your cart.

Cart

Peso-Cost Averaging: Ligtas na Diskarte sa Pag-iinvest Ngayong Krisis

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!

Alam kong bugbog na bugbog na tayo sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market. Dahil ang gasolina ay mahalagang sangkap sa supply chain at transportation, ramdam na ramdam natin ang domino effect nito sa mabilis na pagtaas ng presyo ng ating mga bilihin. Kaya hindi ako magsasawang ipaalala sa inyo ang aking rule ngayong krisis: Do not splurge dahil may oil surge!

Sa panahon ng krisis, marami sa atin ang ninenerbiyos pagdating sa pera. Ang nakakaloka, may mga tao na kapag up ang market, saka sila bumibili, at kapag down ang market dahil sa krisis, saka sila nagbebenta!. Ang sikreto talaga sa pag-iinvest: buy low, sell high.

Pero bago ko ituro ang strategy natin ngayon, gusto kong maging malinaw ito: savings discipline will always come first before investment discipline. Siguraduhing nabuo mo na ang iyong 9 months’ worth na emergency fund at nasusunod ang ating 5-10-85 budgeting rule. Ang investment ay para lamang sa extra mong pera. Kung cash-rich ka na, liquid, at may natitira pang pambili, dito papasok ang isang napakagandang diskarte: ang Peso-Cost Averaging.

Ano ba itong sinasabi kong Peso-Cost Averaging? Ang ibig sabihin nito, maglalaan ka ng regular na halaga regularly para iinvest, halimbawa, sa isang index fund na nagta-track sa Philippine Stock Exchange. Kung kaya mo ang P1,000, P5,000, o katulad ng ginagawa ko na P10,000 kada buwan, tuloy-tuloy mo lang itong inilalagay.

Bakit ito ang perfect na diskarte lalo na ngayong krisis? Dahil sa Peso-Cost Averaging, bumibili ka automatically whether mataas o mababa ang market. Dahil fixed ang budget mo buwan-buwan, kapag mataas ang presyo ng market, fewer units o mas kaunti ang mabibili mo. Pero heto ang magic kapag bagsak ang market dahil sa krisis: mas maraming units ang mabibili ng parehong halaga ng pera mo!.

Usually kapag may krisis, mababa ang presyo ng mga traditional financial products natin. Kaya kapag nakikita ko na lower than average ang market, minsan nagdadagdag pa ako ng kaunting pambili.

Para maging successful ka sa diskarteng ito, heto ang dalawang rule: Una, i-set up mo itong automatic sa iyong bank account para hindi mo na iniisip buwan-buwan. Pangalawa, take control of your emotions. Iresist mo ang urge na magbenta kung mababa ang presyo lalo na kung hindi mo naman kailangan ang pera. Iwasang maging padalos-dalos.

Ang krisis ay puwedeng maging oportunidad kung tayo ay nakapaghanda bago pa ito mangyari. Unti-untiin lang natin, dahil ang pagyaman ay isang mahabang proseso.

Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.