Sabi nga nila, ang mga hindi inaasahang pagkakataon ay madalas na nagdudulot ng mga pinakamagagandang biyaya sa ating buhay. Ganyan ang nangyari sa akin sa aking pagtahak sa journey ng Leadership and Social Entrepreneurship (LSE) Program.
The Casting Call: An Unexpected Journey Begins
Noon, ako’y nagcoconduct ng financial literacy training para sa mga migrant workers ng iba’t ibang nasyonalidad sa Netherlands, kasama ang Oxfam-Novib, at ito’y sa paanyaya ng isa sa mga taong pinakamalapit sa puso ko, si Mother Lalay. Si Mother Lalay, na may mga kaibigang matagal na – si Tito Edgar at Miss Tina – ay naghahanap ng trainer para sa isang araw sa Rome, na naging unang batch pala ng LSE. Hindi pa ako nakakapunta sa Rome kaya agad akong pumayag kahit na fly-in, fly-out lang ako sa araw na iyon, kasi kailangan kong isingit ito sa aking schedule. At syempre, mga kababayan natin ito, hindi banyaga, kaya mas kaakit-akit sa akin.
Modesty aside, mga KaNegosyo, ang aking pagtuturo ay naging patok na patok. Yung typical na tuwang-tuwa ang pakiramdam ng mga participants pero sa likod ng mga ngiti, nayanig ang mundo nila dahil iniisip kung saan napunta ang pera at panahon abroad.
Agad akong inalok nila Tito Edgar at Ms. Tina ng partnership. Walang pag-aalinlangan, tinanggap ko. Parang love at first sight, kamukha ng nangyari kay Mother Lalay. Nakahanap ako ng dalawang set ng pangalawang magulang!!!
Ang pinaka-malaking pagsisisi ko lang sa panahong iyon ay hindi ko man lang na-explore ang Rome. Ang mga magagandang tanawin ay itinuro na lang sa akin habang kami ay mabilis na nagmamaneho papuntang Fiumicino airport para abutan ang aking flight pabalik sa Amsterdam.
Behind the Scenes: Triumphs, Trials, and Dramas Off-Camera
Ang LSE journey ko ay parang pelikula na puno ng mga eksena – may drama, komedya, aksyon, at syempre, mga lesson na dala-dala natin hanggang sa huli. Para itong all-star cast sa isang blockbuster film, dahil ang mga resource speakers natin, hindi lang basta-basta, kundi talaga namang pang-award-winning ang mga performances! Nakaka-proud lang isipin na ang ating programa ay nakarating na sa maraming sulok ng mundo kung saan mayroong mga Overseas Filipinos.
Pero alam n’yo ba, hindi lahat ng eksena ay puro saya at tagumpay. Syempre, hindi mawawala ang mga dramang “it’s complicated”! May mga tampuhan, awayan, at hindi pagkakaintindihan na naganap sa mga magkakaklase at sa iba’t-ibang batches. Nakakaloka, ‘no? Parang mga engot talaga, kasi kung iisipin mo, pare-pareho naman tayong may layunin na pagandahin ang buhay ng bawat isa. Pero ganun talaga, parte yan ng journey.
Hindi lang oras, effort, at talent ang iniinvest ko sa LSE. Pati na rin pera – oo, pera galing sa sarili kong bulsa para sa mga bayarin sa hotel at eroplano. Kasi volunteer resource speaker tayo, diba? Minsan, may pa-bonus pang pagkakataon ako’y naaawitang manlibre. Pero kahit ganun, laban lang, kasi alam kong lahat ng ito ay may kapalit na ngiti at tagumpay ng ating mga kababayan.
Ang LSE ay dumaan din sa butas ng karayom para lang maging mas sustainable. Dahil kulang sa full-time staff at puro volunteers lang, marami ang nabuburnout. Pero alam n’yo, kahit na ilang beses na tayong nadapa at napagod, heto pa rin tayo, patuloy na lumalaban at nagpupursige.
The Premiere: Celebrating Victories and Envisioning Sequels
Sa pelikula natin, siempre, hindi pwedeng walang happy ending, ‘di ba? Pero bago tayo pumunta sa masayang parte, alam natin na ang bawat tagumpay ay may kasamang pagsubok at sakripisyo.
Sa kabila ng lahat ng drama, eksenang iyakan, at mga unexpected plot twists, heto na tayo sa pinaka-aabangan nating parte – ang masayang wakas ng ating kwento.
Ngayon, mayroon na tayong full-time staff sa LSE, kahit paano’y nabawasan na ang bigat sa ating mga balikat. Pero siempre, mas masaya kung mas marami, ‘di ba? Mayroon na rin tayong mga standard operating procedures, hindi lang sa finance kundi pati na rin sa paghahanda para sa mga secretariat. Kasi dati, ang ating priority ay ang content at delivery lang ng program. Pero ngayon, leveled up na tayo!
After 15 years, imagine, naka-produce na tayo ng higit sa 5,000 graduates sa ~35 bansa na mayroong LSE program. Ang SEDPI, sa kabila ng lahat, ay nanguna sa financial literacy component ng programa. At dahil dito, marami na sa ating mga graduates ang nakaahon sa pagkakabaon sa utang, nakapag-ipon, may maayos na insurance coverage, at syempre, may passive income na. At oo, taas-noo kong sinasabi na malaki ang parte ng SEDPI dito.
Pero alam n’yo, hindi pa dito natatapos ang ating kwento. Oo, mayroon pa tayong kulang sa social investments, pero walang duda, makakarating din tayo roon. Kasi naman, kung sa pelikula lang, hindi lang tayo basta one-time-big-time. Trilogy tayo, mga KaNegosyo!!! So, cheers para sa 30 years more (o higit pa) para sa LSE!!!
Envisioning sequels
Tulad ng pag-invest, minsan, kailangan natin magtake ng kaunting risk para makita natin ang potensyal na kagandahan na maaaring maidulot ng isang bagay o oportunidad. At sa pagtake ko ng risk na ito sa aking LSE Journey, grabe ang buhos ng biyaya. Nakita ko ang beauty ng pagtuturo at pagtulong sa ating mga kababayan sa ibang bansa na nagnanais na maging financially literate at empowered. Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan, mga mentors at pangalawang magulang na siyang sumusuporta at patuloy na nagmamahal.
Ang journey natin sa LSE ay hindi lamang isang simpleng pelikula. Ito ay isang epiko – isang kwento na puno ng inspirasyon, pag-asa, at tagumpay na hango sa tunay na buhay at karanasan ng bawat isa sa atin.
Hindi man natin nakita ang lahat ng pawis, luha, at hirap na nilabanan natin sa bawat eksena, ang mahalaga ay nandito tayo ngayon, mas matatag at mas handa na harapin ang mga susunod na kabanata ng ating mga buhay. Sa bawat tagumpay ng isa, ay tagumpay natin ito lahat. Sa bawat pag-angat ng isa, ay pag-angat natin ito lahat.
Ang LSE journey ay hindi lamang nagpapakita ng ating mga nagawa at mga tagumpay, kundi pati na rin ang ating mga pagkatalo, mga pagkatalo na naging stepping stones para makamit natin ang ating mga pangarap.
Sana, ay patuloy tayong maging bida sa ating mga kwento at magsilbing inspirasyon sa ating mga kapwa. Dito sa LSE, tayo ay iisa, tayo ay kasama sa bawat eksena, at tayo ay katuwang sa bawat tagumpay.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service. Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent