Ang suggested age para sa financial stabilization stage ay 46-60 years old.
Marami ang umaabot sa stage na ito na nakakaligtaan ang pag-iinvest kaya maraming mga investment opportunities ang napalampas. Kung susumahin, malaki ang opportunity loss dahil sa pagpapaliban sa pag-iinvest noong kabataan.
Dahil malapit nang mag-retire, dapat maisaayos na at this point ang buhay-retired.
Mga KaSosyo at KaNegosyo, alam niyo ba na ang goal natin ay maging masaya buong taon, hindi lang tuwing Pasko at Bagong Taon? Gusto ko sanang magbahagi ng mga budgeting rules para maging masaya ang inyong holidays nang hindi naman kumakalam ang bulsa pagkatapos.
Rule 1: Bawal mangutang para sa Pasko at Bagong Taon!
Naku, ito talaga, major-major rule! Alam n’yo ba, dapat ‘yung pang-Christmas at New Year celebration, hindi lalagpas sa kalahati ng inyong bonus at 13th month pay. Isipin n’yo, pagkatapos ng kasiyahan, nagkautang ka pa? Masaklap yun! Hindi ‘yan magandang regalo sa sarili! Kung P10,000 ang bonus mo, P5,000 lang dapat ang gagastusin mo para sa handaan. Tandaan, ‘yung bonus, hindi yan pang-gastos lang, pang-ipon at pang-invest din!
Rule 2: Mga basic needs muna bago ang lahat
Eto pa mga KaSosyo at KaNegosyo, unahin muna natin ang mga pang-araw-araw na pangangailangan – pagkain, gamot, kuryente, tubig, at matrikula. ‘Wag nating kalimutan na buhay tayo hindi lang sa Disyembre, kundi buong taon! Kaya naman, budgeting is key. Hindi ‘yung pagkatapos ng Pasko, nagtataka ka na lang bakit wala nang pang-grocery. Ay naku, huwag ganun!
Rule 3: Magplano nang maaga para di ubos biyaya
At ito, ang huling rule pero super important – magplano nang maaga. Set realistic expectations with your family and friends. Hindi kailangan magarbo, ang mahalaga’y magkasama-sama. Tapos, mag-ipon agad para sa susunod na taon. Isipin mo, ‘yung inipon mo ngayong taon, ‘yun ang panghanda mo sa susunod na Pasko. Para hindi rush at hindi ka stressed, ‘di ba?
Be happy all year round!
Ang budgeting para sa Pasko at Bagong Taon, parang paghahanda sa isang mahabang marathon – kailangan ng strategy at endurance. Sa pagtakbo ng buhay, mahalaga na hindi ka hingal na hingal sa dulo, kundi chill lang with a smile on your face.
Kaya mga KaSosyo at KaNegosyo, tandaan, ang pagiging masaya buong taon ay nagsisimula sa matalinong pagba-budget ngayong Pasko at Bagong Taon. Invest in memories, hindi sa utang. Enjoy your holidays pero ‘wag kalimutan, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro at your service.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent