was successfully added to your cart.

Cart

Pasko on a budget: Smart noche buena and media noche planning

Mga KaSosyo at KaNegosyo, malapit na naman ang Pasko, at syempre, kasama diyan ang paghahanda para sa ating Noche Buena at Media Noche. Pero teka, hindi ito tungkol sa kung paano tayo magpaboggahan, kundi kung paano magiging masaya at praktikal sa ating handaan. Tara, bigyan ko kayo ng tips na siguradong makakatulong para maging mas masaya ang Pasko ninyo nang hindi nagwawaldas!

 

Humanap ng Kapalit – Substitutes o Alternatibo

 Una sa lahat, mag-isip tayo ng mga alternatibo. Halimbawa, ‘yung mahal na Apple Pie ala Mode, pwede nating palitan ng Turon ala Mode. O ‘di kaya, ‘yung Fruit Cake, gawin nating Buko Bibingka  or Bibingka topped with cheese at salted egg. At ‘yung Seafood Paella, subukan natin ang Longganiza Paella. Mas mura, mas pinoy, at siguradong patok sa panlasa!

 

Gumamit ng Unbranded Ingredients

 Isa pa, gumamit tayo ng unbranded ingredients. Kadalasan, parehas lang naman ang lasa nila sa branded, pero mas mura! Sa totoo lang, sa packaging nagkakatalo pero ang quality ay value for money. Kaya ang karaniwang tawag dito ay mga produktong “hubad.” Maghanap sa mga tiangge, talipapa o palengke ng mga unbranded ingredients.

 

Tamang Dami ng Pagkain

Pagdating sa dami ng pagkain, tandaan na ‘yung sapat lang para iwas sa sobra. Mas masaya ang handaan na walang panis, di ba? Aminin, sayang ang pagkaing naitatapon; Literally, that’s cash down the drain. ‘Tsaka nakakaumay ang mag-ubos ng handa pagkatapos ng Christmas at New Year. Hindi na ito sing-sarap ng bagong luto.

 

Bumili ng In-Season at Local Ingredients

Mga in-season at lokal na ingredients tulad ng atis, chico, dalanghita, lanzones, at papaya ang gamitin natin. Simple law of supply and demand. Kapag marami kasing supply ang isang bagay, mas mura ito dahil may sapat para sa lahat ng mamimili. Bukod diyan, malaki pa ang suporta pa sa lokal na magsasaka!

 

Iwas Pamahiin

Wala nang pama-pamahiin. Naku, napapagastos lang tayo riyan. Napapabili tayo ng bagay na hindi praktikal. Example, sa New Year dapat daw may 13 bilog-bilog na prutas na hindi itim ang buto. OA! Naku, maniwala kayo sa akin, mas susuwrtihin sa pera ang di susunod dito! Marami siyang maiipon. At ang tunay na mahalaga, busilak na puso at mabuting gawa para sa mas masayang selebrasyon.

 

Sales at Discounts

Parang hidden treasures ang sales and discounts, kaya maging matalino at alerto sa mga ganitong pagkakataon. Pero, mga KaSosyo at KaNegosyo, wag tayong magpapadala sa tukso. ‘Yung iba kasi, pag nakakita ng “SALE” sign, nakakalimutan na ang budget. Tandaan, kahit gaano pa kalaki ang bawas presyo, kung hindi naman kailangan, hindi ‘yun tipid, gastos ‘yun! Kaya stick to the plan at sa shopping list.

 

Sabayang Pagbili

Ito ay bulk-buying at pasabay combined with a twist. Ito yung bibili ka ng items in larger quantities on behalf of your family and friends para makakuha ng discount o x-deals. Halimbawa, papunta kang Baguio at mamimili ng mga gulay doon. O, e di kunan mo na ng order ang mga kaclose mo. That way, mas may bargaining power ka sa tawaran dahil bultuhan ang bili mo, plus menos pa sa transportation kasi minsanan na lang.

 

Community Celebration

Isipin natin ito, sa halip na magkanya-kanyang handaan sa kanya-kanyang bahay, bakit hindi tayo mag-organize ng isang malaking celebration para sa buong community? Pot luck style ang labanan dito. Ending, mas makakamura dahil mapaghahati-hatian ninyo ang gastos sa paghahanda. Parang bayanihan sa kainan, di ba? Ito’y isang paraan para mas lumakas ang samahan ng bawat isa.

 

Be Merry!

Kaya mga KaSosyo at KaNegosyo, sa paghahanda ngayong Pasko, hindi lang basta tipid ang habol natin. Ang diwa ng kapaskuhan ay ang maghatid ng kasiyahan at magtulungan. Ang importante, nasa puso ang pagbibigayan at pagmamahalan.

 

Ako si Sir Vince, inyong financial guro, lagi niyong kasama sa pagyaman ng kaalaman. Laging tandaan, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: