was successfully added to your cart.

Cart

Parent’s welfare bill: Multa hanggang 300K o kulong sa anak na di makasuporta sa magulang

By July 22, 2025 Family, News

Have a Question?

    Your Name (Required)

    Your Email (Required)

    Mobile Number (Required)

    Subject (Required)

    Your Message (Required)


    Read Terms and Conditions

    Suriin natin ang Parents Welfare Act Bill. Tanong: Responsibilidad ba o obligasyon?

    Ang bill na ito ay panukala ni Senator Ping Lacson, ang layunin ay palakasin ang filial responsibility o ang pananagutan ng anak sa kanilang mga magulang.

    Naisip ko agad ang kaso ni Carlos Yulo, ‘di ba? Ayon sa panukala, kapag ang magulang ay matanda, may sakit, o hindi na kayang magtrabaho, required na suportahan sila ng anak. Kung pababayaan sila, puwede silang magsampa ng kaso.

    Libre ang abogado sa Public Attorney’s Office at walang bayad sa korte para sa magulang na nais magsampa ng kaso laban sa anak.

    Paano ito ipapatupad?

    1. Maghahain ng petition for support ang magulang.
    2. Dadaan muna sa conciliation o kasunduan bago ito mareresolba sa korte.
    3. Kung walang kasunduan, maglalabas ng support order ang korte.

    At kapag hindi sumunod ang anak:

    • 1 to 6 months na kulong o ₱100,000 na multa.
    • Kung tahasang inabandona ang magulang, 6 to 10 years na kulong plus ₱300,000 na multa.

    Ang requirement: Suportahan ang magulang na aged, sick, or incapacitated.

    Nakalagay din sa batas na magkakaroon ng old age homes sa bawat probinsya at lungsod. Actually, I agree dito sa provision for homes for the aged. Dapat talaga may ganyan.

    Kapag wala nang anak, pwedeng managot ang apo, kapatid, o kamag-anak. Matindi ang batas.

    May proposal din for government-funded care sa matatandang wala nang masasandalan. Agree ulit ako diyan! Pero sana kahit may masasandalan pa sila, dapat pa rin may basic na support mula sa gobyerno.

    Kasi responsibilidad din ito ng estado—hindi lang ite family o personal issue.

    Ngayon, ito naman po ang aking saloobin—kung okay lang.

    LINAWIN NATIN…

    Para sa akin, ang pangunahing dahilan kung bakit hindi natutupad ang responsibilidad sa magulang ay hindi dahil sa ayaw tumulong, kundi dahil sa kahirapan.

    So bakit natin ipepenalize ang mga tao kung ang kalaban nila ay poverty? Para kanino ba ang batas na ito?

    Tinanong natin ang mga followers and subscribers natin kung ano ang setup nila sa bahay. Ag tanong ay: Do  your parents live with you? Ito ang resulta:

    • 43% said Yes, ako ang gumagastos para sa kanila.
      Ito kadalasan ‘yung tinatawag nating sandwich generation—may responsibilidad sa anak, may responsibilidad pa sa magulang. Kaya feeling nila, sandwich na sandwich sila.
    • 19% said Yes, sila ang mas gumagastos sa bahay.
      In fairness ha! Naalala ko nung 20s ako, ako yung pupunta sa bahay nina Mama at Papa, tapos ako pa ang mag-grocery. Bubuksan ko ang pantry, ref, dun ako kukuha ng provisions ko para libre! Pero ngayon, baliktad na. Yan naman talaga ang goal, ‘di ba?
    • 19% said Nope, bumibisita lang sila regularly—which is exactly my case now!
    • 13% said Yes, pero kanya-kanya kami ng gastos.
    • At 5% said Nope, World War 3 o cold war kami ng parents ko!

    Kung tutuusin, 5% lang ang may issue sa magulang. So bakit gagawa tayo ng batas para lang sa 5%? Sa totoo lang, ang kaso na ganito is more of an exception, not the rule. Kaya dapat, ang batas ay para sa nakararami, hindi sa iilan.

    Sa halip na parusa, bakit hindi reward system?

    Senator Ping, kung maririnig niyo po ako, sana ikonsidera n’yo ito bilang isang mungkahi mula sa isang social development worker na 25 years na sa sektor.

    Para sa akin, mas mainam na ipasa ang universal pension para sa mga seniors, unahin ang low-income seniors, hanggang sa maging universal. Suggestion ko: gawing minimum wage equivalent ang pension. Kasi ngayon, ₱1,000 lang per month ang pension para sa low-income seniors. At pahirapan pa itong kunin!

    Mas magandang palakasin ang universal healthcare—gawing libre ang gamot at hospital bills para sa seniors. Kasi ito ang pinakamalaking gastos ng matatanda, at siya ring nagpapahirap sa buong pamilya.

    Kaya sana, suportahan n’yo po ang pagdagdag ng budget sa PhilHealth. Pera po namin ‘yan. Nasaan ang counterpart ng gobyerno?

    Ang nangyayari ngayon, ipinapasa sa pamilyang Pilipino ang pasanin. Eh sa laki ng tax burden na binabayaran namin—lalo na ang VAT—dapat ay may kapalit ‘yan na matinong serbisyo.

    Instead of penalizing, bakit hindi natin i-reward ang mga tumutulong sa magulang?

    Gawin nating tax deductible ang ginagastos ng anak para sa magulang—lalo na kung maliit ang sahod nila. Sa ngayon, wala silang benefit. Pero para sa middle class, malaking tulong kung magiging deductible sa tax ang mga gastos sa magulang.

    Mas maganda ‘yan, Senator.

    Kasi sa totoo lang, hindi dapat ipinapasa ng gobyerno ang responsibilidad nito sa tao. Sa dami ng binabayaran nating buwis, dapat may maayos na serbisyo sa mamamayan.

    Responsibilidad ng anak sa magulang

    At ito po ang matagal ko nang tinatanong: Ano ba talaga ang responsibilidad ng anak sa magulang?

    Ang unang responsibilidad ng anak ay ang sarili nila. Kailangan muna nilang tumayo sa sariling paa at bumuo ng sariling pamilya. Kasama na siyempre sa responsibilidad ang magulang—pero bago ‘yan, dapat self-preservation muna.

    Ako naniniwala na kung hindi mo matulungan ang sarili mo, mas lalong hindi ka makakatulong sa iba—kahit pa sa anak mo o sa magulang mo. Kaya sarili muna.

    Kung may kasabihang live within your means, meron din tayong give within your means. Uulitin ko: ang pagbibigay ay function ng meron kang maibibigay.

    Kaso sa pamilyang Pilipino, kulang na kulang ang kita, ang taas pa ng gastusin, mataas din ang tax. Kaya para sa akin, sign of successful parenting din kung kaya ng isang magulang na mabuhay independently. Pero kung hindi pa kaya, dapat ba ipasa agad sa anak at parusahan sila kung hindi makatulong?

    Para sa akin, hindi dapat. Kasi kapag ginawang obligasyon, lalo lang magkakaroon ng kultura ng conflict kaysa sa culture of peace and reconciliation.

    Ang unang goal ng anak ay hindi dapat maging pabigat sa magulang. Dapat tayong mga anak ay self-reliant—hindi umaasa sa magulang sa mga basic needs or long-term plans.

    Yung maging successful in our parents’ eyes? Bonus na lang ‘yon. Pero ang tunay na success ay ‘yung kaya mong tumayo sa sarili mong paa.

    Leave your parents’ retirement nest alone. Huwag na natin silang istorbohin. Kung nagkasakit ka? Own it. Mag-PhilHealth ka. Dapat may medical insurance at emergency savings.

    Kasi kapag ikaw ay financially responsible, gift na ‘yon para sa parents mo.

    At kung nakikitira ka pa rin sa kanila—halimbawa 35 ka na, adult na—mag-ambag ka! Magbigay ng renta, share sa kuryente, tubig, at pagkain. Huwag maging free rider.

    Give within your means

    Ulitin ko: Give within your means. Hindi mo responsibilidad ang magulang mo—lalo na kung able-bodied pa sila.

    Yes, mahal natin ang magulang natin, walang duda. Pero ang state dapat ang naglalagay ng social safety nets para sa kanila. Dahil ginagawa natin ang responsibilidad natin na magbayad ng buwis.

    Kaya habang maaga pa, mag-ipon para sa sariling retirement. Huwag mo ring akuin lahat ng responsibilidad at obligasyon sa maglang—paghati-hatian n’yong magkakapatid. At kung may private school tuition ka noon, tapos pinilit mong sa private mag-aral, bayaran mo rin sa magulang mo. Kasi libre naman sa SUCs ngayon, at okay naman ang quality.

    Let’s prepare for retirement. Hindi natin kontrolado kung tutulungan tayo ng anak natin, pero kaya nating ihanda ang sarili natin. Maraming Pilipino ang hindi handa—pero hindi ibig sabihin wala na tayong magagawa.

    Ang tunay na retirement plan ay:

    • May ipon
    • May passive income
    • May support system

    Kaya aralin natin at supportahan ang SSS, Pag-IBIG Savings, at PhilHealth—dahil ito ang ating basic social safety nets. Dapat ito pa ay i-improve ng gobyerno.

    Nandito ako ngayon sa Spain, at dito, may universal healthcare. Kaya sabi ko sa staff ko, ipapa-cancel ko na ang private insurance ko sa Pilipinas, kasi covered na ako dito. Walang limit-limit—kahit anong sakit, covered.

    Yan ang goal natin! Kaya:

    • Tumulong tayo sa gobyerno—magbayad ng tamang buwis, SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth
    • At ang gobyerno naman, gawin ang tungkulin niya

    Dapat hindi na maulit yung zero budget sa PhilHealth. Sobrang injustice ‘yon sa mamamayang Pilipino.

    Ako po si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing: “ANG PAGYAMAN, NAPAG-AARALAN AT NAPAGTUTULUNGAN.”

    USEFUL RESOURCES

    Sources of information and practical tips on money management

    Different kinds of investments

    Preparing for retirement

    How are articles on retirement

    1. 10 Commandments of retirement
    2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
    3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
    vincerapisura.com


    Watch videos on money management

    Watch Usapang Pera episodes

    Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

    vincerapisura.com


    Get in touch with Sir Vince

    Message Sir Vince through FB messenger

    Send an email to Sir Vince

    Like Vince Rapisura page

    vincerapisura.com


    Join online groups of Sir Vince

    Join Usapang Pera Group

    Join Sir Vince blog newsletter

    vincerapisura.com


    vincerapisura.com


    Leave a Reply

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.