was successfully added to your cart.

Cart

Palm Sunday Realizations: Faith Beyond Labels

Umattend ako ng prayer meeting kasama ang mga college friends at Palm Sunday pala ngayon. Sinubukan kong basahin ang mga readings, kaso ang hahaba. Kaya pinili ko na lang yung responsorial psalm dahil maikli (haha) at naaalala ko ang passage na ito kapag umaattend ng misa dati- God, why have you forsaken me?

In fairness naman, kahit sa mga panahon na mahirap ang buhay, hindi ko naman naramdaman na iniwan ako ng Diyos. Actually ang nang-iiwan mga tao- pamilya, kaibigan o katrabaho. Dito ko naconclude na naniniwala pa rin ako sa Diyos, kahit na itinuring ko nang tiwalag ako sa Simbahang Katoliko.

Tinanong sa prayer guide kung yung Roman soldier ba na nanghaggard kay Jesus ay maaring magsisi at maging Cristiano sa future. Sa akin hindi na mahalaga kung ano pa man ang pinaniniwalaan o relihiyon niya basta maging mabuti ang gawa at malinis ang kalooban. Sa ngayon ang tingin ko na lang sa relihiyon ay kinukuha ko kung ano yung mga sa tingin kong makakapagpaganda sa buhay ko at paano makakatulong sa kapwa.

Ang relihiyon para na lang siyang isang label sa akin ngayon. Puede namang makapagtrabaho at gayahin ang mga ginagawa ng ibang relihiyon basta ito ay mabuti. For example, sa SEDPI, Islamic-inspired talaga yung ginagawa namin. Ang main principle ay hindi dapat ikayayaman ang paghihirap ng iba. Kahit pa napakacontradicting nito in terms of affluence at extravagance ng buhay at the expense of destroying the environment and maraming human rights violations doon sa Middle East kung saan Islam ang namamayagpag na relihiyon.

In a sense parang politics din. If I do not go beyond the political beliefs of my clients and my staff, naku, delikado ang survival ng SEDPI. Pero may mga areas na pareho ang objective at doon nagkakasundo para patuloy na magtrabaho para labanan ang kahirapan.

So I guess, hindi na mahalaga sa akin kung si Roman soldier ay maging Cristiano sa huli basta gumawa siya nang mabuti hindi lang para sa sarili pero para sa greater community.

Noog shinare ko yan sa group, sabi ni Father Oddy, isang Jesuita, na sa church documents hindi naman kinakailangang mag-convert to Catholicism para ma-save, dati daw kasi kailangang maging Katoliko to be saved. At si Father din mismo ang nagsabi nga na may bias towards the Catholic Faith na kailangan pang mag-convert para gumawa ng mabuting bagay o kaya ay magbago. Napaka-refreshing marinig ang ganitong pag-amin sa mga religious.

By that line, hindi ko kinakailangang puwersahing magconvert bilang bakla ang mga straight para maunawaan kami, di ba? Ang need lang talaga natin ay mag-usap at magkasundo sa common good na gusto nating gawing kabutihan sa mundo.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.