was successfully added to your cart.

Cart

Pagreretiro sa Pinas: Mga Myths na Dapat Mong Malaman!

Meron tayong mga retirement myths. Sabi nila, ang retirement daw ay tungkol sa edad. Pero, hindi ito tungkol sa edad. Pwede kang mag-retire kung kailan mo gusto dahil ikaw ang makakapagdesisyon kung kailan mo gustong mag-retire. Baka gusto mo nang mag-retire pero ‘di sapat ang financial means mo. Kahit nasa retirement age ka na, e, in reality, hindi ka pa talaga retied dahil kailangan mo pang magtrabaho o maging dependent sa iba para mabuhay.

 

Isa pang retirement myth ay dapat ito ginagawa pagtanda na. Masaya ako na ang karamihan sa mga dumadalo sa webinar ko on retorement planning ay nasa 40s. Maaga silang naghahanda para sa retirement, mas maganda. Natutuwa ako, lalo na kay Earl, 26 years old pa lang pero iniisip na niya ang retirement niya—kahanga-hanga!

 

Yug mga anak, ginagawang retirment plan, isa pang myth yan. ‘Yung tipong, “Aalagaan ako ng mga anak ko,” ‘di ba? Napaka-old school niyan at hindi tama dahil responsibilidad natin ang ating mga anak, at wala silang obligasyon sa atin. Mas maganda nga kung sa ating pagretiro, financially capable tayo na tumulong sa kanila, hindi para suportahan sila ng buo.

 

Ang pag-iisip na ang pinakamagandang panahon para magtayo ng negosyo ay pag retire na, mahirap ‘yan. Lalo na kapag nasa 60s na at saka pa lang magsisimula ng negosyo, medyo risky dahil wala nang panahon para bumawi. Siguro, kung part-time o ‘yung negosyo ay hobby lang para may libangan, pwede. Pero ‘yung magsimula ng negosyo para sa araw-araw na pangangailangan, isa ‘yang myth.

Hirit ng iba, “Paano si KFC, senior citizen na siya nung itinayo niya ‘yun?” Pero, ilan ba ang KFC? Isa lang siya sa milyon-milyong senior citizen, ‘di ba?

 

Isa pang mahalagang myth na gusto kong ituwid ay tungkol sa insurance para sa mga retirees, lalo na ang life insurance. Kung wala ka nang dependents sa iyong pagtanda, hindi mo na kailangan ng life insurance. Sa kabilang banda, sa health insurance, naniniwala ako na dapat, tulad ng libreng edukasyon, libre rin ang healthcare para sa lahat dito sa Pilipinas. Hindi pa tayo ganap doon, pero sa ngayon, maaring palakasin ang ating health insurance at magtayo ng health fund kung kaya.

 

Yan ang mga retirement myths na gusto kong linawin sa inyo ngayon.

 

Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: