Ngayong espesyal na araw, nais ko sanang magbigay-pugay sa isang hindi matatawarang haligi ng SEDPI, si Lysil, ang ating mahusay na Operations Manager.
Nakilala ko si Lysil sa isang hindi pangkaraniwang panahon. Noong mga panahong iyon, siya ay nagtatrabaho sa MILAMDEC, isang organisasyon na tinulungan ng SEDPI sa pamamagitan ng pondo para sa kanilang microfinance operations. Sama-sama naming hinangad na iligtas ang MILAMDEC pero tuluyan itong bumagsak at nagsara.
Nagsimula ang social microfinance operations ng SEDPI noong 2016. Sa kasamaang-palad, hindi pa namin kayang kunin si Lysil sa panahong iyon. Pero, nakita ko sa kanya ang determinasyon, ang tapang, at ang puso sa kanyang ginagawa. Pangako ko sa kanya, kukunin ko siya sa SEDPI.
Pagkalipas ng isang taon, natupad ko ang pangakong iyon. Ngayon, lampas doble na ang kanyang suweldo. Tinulungan ko rin siyang magkaroon ng van side business. Ito ay patunay lang kung gaano siya kahalaga sa SEDPI.
Napakahalaga ng teamwork namin. Pasensiya na lang Lyisl ha, kung minsan ay umiinit ang ulo ko – senyales lang ‘yun na close na kami.
Ngayong birthday niya, gusto ko siyang pasalamatan sa kanyang dedikasyon sa SEDPI. Sana’y matupad ang aming mga pangarap na dumami pa ang members ng SEDPI. Gusto naming makatulong sa pag-ahon sa kahirapan sa Mindanao, and who knows, baka sa susunod na sampung taon, sa buong Pilipinas na.
Dahil kay Lysil, mas napapadali ang aking trabaho sa SEDPI. Lysil, huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Mahalin mo ang iyong pamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho.
Maligayang kaarawan, Lysil! Salamat sa lahat. Sana’y marami pa tayong masimulan at magawa para sa ating kapwa.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent