Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!
Lahat na yata ng diskarte ay ginawa na natin ngayong may oil crisis. Naghihigpit na tayo ng sinturon, nag-oovertime, naghahanap ng sidelines, nagbebenta ng kung ano-ano, at nagtitipid araw-araw. Sanay na sanay na tayong mga Pilipino sa pamamaluktot para magkasya sa kumot, at hindi na rin tayo makahinga sa paghihigpit ng atng sinturon.
Pero hanggang saan ba aabot ang personal nating diskarte? Kahit anong higpit ng sinturon natin, hindi na talaga kakayanin kung personal diskarte lang ang gagamitin natin, dahil ang problema natin ngayon ay structural at systemic. Hindi lang ito personal na problema; kailangan din ito ng government approach. It’s time for the government to step up!
Heto ang mga konkretong hakbang na kailangan nating singilin at asahan mula sa ating gobyerno:
- Ayusin ang Public Transportation at Itigil ang Flood Control Corruption
Late na late na tayo pagdating sa public transportation. Dapat ito ang unang pinopondohan at pinapa-prioritize sa infrastructure para magkaroon tayo ng affordable at accessible na public transportation. Ang nangyayari kasi, inuuna ng gobyerno ang mga projects kung saan sila madaling makakurakot, tulad ng mga flood control at ghost projects. Sa totoo lang, natabunan na ang issue ng flood control ng matinding oil price hike na ito! Kung maayos lang sana ang public transportasyon at mas mabilis ang transition natin sa renewable energy at electric vehicles, hindi sana tayo ganito kadependent at kaapektado sa pagtaas ng gasolina.
- I-suspend o I-reduce ang Excise Tax at VAT
Dapat na talagang i-suspend temporarily at i-reduce ng gobyerno ang excise tax at Value Added Tax (VAT) sa mga produktong petrolyo pati na rin sa mga basic goods. Ang nangyayari kasi, habang tumataas ang presyo ng bilihin, lumalaki rin ang tax collection ng gobyerno, at mas marami silang pondo para kurakutin. Kailangan nating kalampagin ang mga kinauukulan na ibaba ang VAT para makahinga naman ang karaniwang Pilipino.
- Patawan ng Windfall Tax ang mga Gas Companies
Hindi dapat ikayaman ng mga gas companies ang paghihirap ng sambayanang Pilipino. Kung dati ay 10% ang profit margin nila sa P50 kada litro, kumikita sila ng P5. Pero kung 10% pa rin ang patong nila ngayong P130 na ang kada litro, mas malaki na ang kinikita nila mula sa bulsa natin! Kaya dapat patawan ng gobyerno ng windfall tax ang mga gas companies para hindi nila ienrich ang sarili nila using the misery of others.
- Magbigay ng Subsidy sa mga Below Minimum Wage Earners Sa tinatayang 5.6 million na wage earners natin, 1.6 million lang ang nasa minimum wage at ang natitirang 4 million ay below minimum wage na nagtatrabaho sa mga nano at micro enterprises. Dapat sana, ang gobyerno na ang nagbibigay ng subsidy para sa kanilang SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG contributions para ma-protektahan pa rin sila ng ating social safety nets nang hindi nababawasan ang kanilang maliit na naiuwing kita.
Mga KaSosyo at KaNegosyo, habang kinakalampag natin ang gobyerno para sa matinong leadership, ituloy pa rin natin ang ating personal na paghahanda at sundin ang rule na: Do not splurge dahil may oil surge! Pero laging tandaan, karapatan nating humingi ng maayos na sistema at solusyon mula sa mga namumuno.
Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent