Mga KaSosyo at KaNegosyo, alam n’yo ba, mahalaga na hindi natin kalimutan ang ating kinabukasan, lalo na ang ating retirement? Kaya naman, sumama kayo sa’kin, at tuklasin natin ang mga hakbang para sa mas secure na future.
Una, tanungin natin ang ating sarili – kailan nga ba natin balak mag-retire? Sa Pilipinas ang earliest optional retirement age ay 60. Sana by that time ay financially retired ka na. Meaning, ang passive income mo, kaya icover ang iyong lifestyle. Pero, hindi ibig sabihin na pagtungtong mo ng 60, titigil ka na talaga magtrabaho. Maaaring ituloy mo pa rin ang pagtatrabaho, hindi na para sa pera, kundi para sa iyong passion. Productive and meaningful retirement ang tawag diyan.
Kung kumikita ka ng ₱20,000 pababa kada buwan, unahin natin ang mga basic government instruments para sa retirement, gaya ng SSS, Pag-IBIG, WISP at WISP+. Kailangan natin ang mga ito para sa mas secure na retirement dahil 100% guaranteed ng gobyerno. So, sigurado tayo na hindi malulugi.
Sa ₱20,000 na kita, ang iyong monthly SSS contribution ay ₱2,800. Kailangan mo lang magbayad ng 120 months (₱336,000) para maging eligible sa monthly pension pag retiro. Para sa mga self-employed o voluntary members, ang buong ₱2,800 ang babayaran. Kung ikaw ay employee, may mas malaking ang counterpart ng employer sa iyong contribution. So, sa loob ng 10 years, ang total SSS contribution ng isang empleyado ay ₱108,000 lang. Kaya ang ROI nila ay maaaring makuha sa loob lang ng isang taon pagkatapos mag-retire.
Sa 10 years na pagtanggap ng pension, makakatanggap ng ₱1,080,000, which is a significant amount kumpara sa kanilang total contribution.
Kaya mga KaSosyo at KaNegosyo, mahalaga na alagaan natin ang ating ‘body beautiful’ para mas matagal nating ma-enjoy ang ating mga benefits. At syempre, suportahan natin ang mga government programs na ito dahil tayo rin ang gobyerno. Huwag kalimutan na ang paghahanda sa retirement ay hindi lang para sa ating sarili kundi para rin sa ating mga mahal sa buhay.
Kaya’t simulan na natin ngayon, hindi bukas, hindi sa susunod na taon, kundi ngayon na.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent