was successfully added to your cart.

Cart

Padaliin ang iyong SSS contributions: Automatic deduction system

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo! Handa na ba kayong matutunan ang isa pang practical tip para sa inyong financial journey? Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, Tuturuan ko kayo ngayon ng magandang sistema para sa inyong SSS contributions – ang automatic deduction system.

 

The beauty of automatic

Isa sa mga mainam na sistema na binuo ng SSS para sa ating mga manggagawa ay ang automatic deduction ng contributions mula sa ating suweldo. Hindi ba’t napakaginhawa nito? Hindi mo na kailangang mag-alala tuwing end ng month kung nabayaran mo na ba ang iyong SSS contribution.

Alam ko na marami sa inyo ang umaaray sa kaltas sa suweldo para sa SSS. Pero, alam niyo bang mas malaki ang counterpart ng ating employer para diyan? Sa akinge estimate ay sa bawat pisong kinakaltas sa atin, nagbabayad ng counterpart na mahigit sa dalawang piso ang ating employer. Sarap di ba?

Kaya next time na makita mo ang SSS contribution na kaltas sa suweldo. Ngumit ka dahil itimes two mo yan, iyan ang counterpart amount na binayaran ng employer mo to boost your retirement fund.

Gusto ko rin ipaalala na ang automatic deduction system na ito ay nagbibigay hindi lamang ng kaginhawaan, kundi pati na rin ng katiyakan na ang bawat hulog mo sa SSS ay nauuna sa lahat ng ibang bayarin. Ito’y isang mahusay na diskarte upang masiguradong ang ating retirement fund ay patuloy na lumalago.

Feeling ko lang, kung hindi ito automatic, nungkang magkukusa ang karamihang magbayad ng kontribusyon sa SSS. Makakalimutan natin ito at malamang hindi maging priority. Aminin!

 

Automatic deduction system para sa self-employed, voluntary at OFW members

Ngunit paano kung ikaw ay self-employed, voluntary member, o OFW? Wala namang employer na kakalatas at magreremit ng ating kontribusyon sa SSS, di ba? Huwag mag-alala, KaSosyo at KaNegosyo! Pwede rtayong mag-set up ng automatic deduction system gamit ang ating online banking apps.

Saanman tayo sa mundo, pwede nating iset up ang scheduled bills payment para sa ating SSS contributions kada buwan. Ang kagandahan dito ay hindi na natin kailangang mag-alala tuwing due date. Relax na relax tayo habang alam nating ang ating future retirement fund ay ligtas at lumalago.

Kaya naman, mga KaSosyo at KaNegosyo, simulan na natin itong practical at efficient na sistema. Sa ganitong paraan, mapapadali natin ang ating pag-iipon para sa ating SSS retirement fund. Malalayo kasi tayo sa temtasyon o magasta sa ibang bagay ang dapat na ibinibigay nating kontribusyon sa SSS.

Sa susunod na pagkakataon, sana’y mas marami pa tayong matutunan at maibahagi sa isa’t isa. Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: