was successfully added to your cart.

Cart

Paano pag-usapan ang pera sa iyong mga magulang

Makabagong kaisipan ang expectation na dapat ang mga magulang ay financially independent pagdating nila sa kanilang retirement age. Nagsimula ito sa mga mauunlad na bansa dahil sa pagkakaroon ng maayos na government-sponsored pension, social security at mga retirement plans sa pagtatrabaho.

Karamihan pa rin sa ating mga Filipino ay inaasahang tayo ang sasalo sa ating mga magulang pagtanda nila. Ito ay dahil, aminin natin, kulang ang pension sa SSS para tustusan ang pang-araw-araw nilang gastusin at lalong hindi din sapat ang maasahan natin sa social security programs ng gobyerno.

Karamihan ng matatanda ay hindi handa sa retirement

Sa aking research, nasa 5% lang ng mga Filipino ang may sapat na emergency savings at halos walang nagsusulat ng kanilang retirement plans. Mas lalo pang bababa ito kung titingnan natin ang money management practices ng ating mga magulang.

Ang problema sa pera ng mga magulang mo ay maaring maging problema mo din. Sa madaming sitwasyon, ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi ka makausad financially dahil sa bigat ng responsibilidad na kailangang pasanin para alagaan sila.

Don’t get me wrong, kailangan nating mahalin at alagaan ang ating magulang. Kailangan lang natin itong gawin nang tama. Kaya lang, ang isang challenge ay hindi natin pinag-uusapan ang pera sa pamilya.

Ito ay dahil na rin ayaw ng mga magulang na maging pabigat sila sa kanilang anak. Sa kabilang banda naman, ayaw isipin ng mga anak na kailangan ng tulong ng kanilang magulang.

Ang ideal ay may sapat na perang pang-retirement ang ating mga magulang at may maiiwan pa silang estate o legacy. Pero, hindi ito ang sitwasyon sa karaniwang pamilyang Filipino.

Narito ang aking mga tips kung paano kausapin ang mga magulang tungkol sa kanilang kalagayan sa pera para maiwasang sumabog na parang bulkan ang problema.

Gumawa ng “just in case document”

Isa sa mga paraan para simulang pag-usapan ang kalagayan sa pera ng mga magulang ay ang paggawa ng “just in case document.” Dito ililista ang lahat ng kanilang ari-arian; at mga legal na dokumento tulad ng birth certificates at marriage contract, titulo ng lupa etc.

Kasama din dito ang mga mahahalagang kontrata na dapat malaman kung meron man pati na rin ang contact information ng abugado, financial advisors o bank managers na nakakaalam ng kanilang mga financial details. Ilista din ang mga bank accounts, insurance policies at mga pagkakautang.

Gagawin niyo ito para sakaling may hindi inaasahang pangyayari, hindi na kailangang maghanapan pa ng mga mahahalagang dokumento at mas makakapag-concentrate sa pag-aalaga sa kanila.

In my case, dahil ako na lang ang natitira dito sa Pilipinas sa aming magkakapatid, sa akin ito inassign. I make sure na informed ang mga kapatid ko kung anuman ang napag-uusapan namin ng aking mga magulang.

Goal: protektahan ang financial status mo at ng mga magulang

Sa pag-uusap, maiiwasan ang pagaalinlangan at hiya kung ipapaliwanag sa magulang na ito ay ginagawa ninyo para siguraduhin ang kanilang matiwasay na retirement at maayos na kalusugan. Kasabay nito ay ang paniniguro na hindi mo isasakripisyo ang iyong personal financial health para isalba sila.

Kapag napaghahandaan ito, mas may kakayahan kayong harapin ang mga pagsubok na maaring dumating. At mind you, darating at darating iyan hindi lang natin alam kung kailan.

Magkakampi kayo ng magulang mo

Pansin ko sa mga magulang ko, mas sensitive na sila ngayon, napakamaramdamin. Sinusubukan ko talagang mag-ingat at piliin ang mga bibitawan kong salita para di sila magtampo.

One way na ginagawa ko para hindi nila masamain ang sasabihin ko is to always remind them that we are on the same team. Magkakampi kampi at hindi ko sila ipinapahamak.

Kung talagang sa tingin mo mahirap ang magiging usapan, hindi masamang mag-imbita ng taong maaring mamagitan o magguide sa inyong pag-uusap. Siguraduhin lang na ang taong iimbitahin ay neutral sa magkabilang panig.

Paghandaan ang medical emergencies

Mahal ang health insurance para sa mga senior citizens lalo na kung hindi sila covered nito noong bata pa sila. Marami nang mga pre-existing conditions na excluded kaya minsan hindi na worth it kumuha dahil parang close to gambling na ang pagbili nito.

Kaya ang advice ko ay magkaroon ng ipon o health fund para sa medical emergencies para sa magulang. Mas magagamit niyo ito according to your needs, kapag sa medical insurance kasi may limitations at maraming conditions.

May mga health cards akong nakikita ngayon para sa check ups and laboratories o out patient services na puwedeng sulit. You can explore this. Para sa medical emergencies na nakita ko para sa senior nasa PhP60,000 per year for PhP500,000 coverage tapos ang dami pang exclusions dahil pag dating ng ganitong edad ay hindi maiiwasang marami nang pre-existing na sakit.

When in doubt, follow my budgeting rule which allots 5% of your income for insurance. Kung lalagpas na dito ang gagastusin, then I think, yung insurance na iniisip mo ay mahal. Ilagay mo na lang yan pandagdag sa health fund.

Utang ng magulang

Sa batas sa Pilipinas, hindi naipapamana ang utang. Ang mga creditors can run after the estate of your parents when they die pero hindi nila kayo puwedeng habulin bilang mga anak.

Kaya kung may utang ang mga magulang mo, alamin kung magkano ito at ikumpara sa halaga ng kanilang maiiwang ari-arian o estate. Kung mas mataas ang utang kaysa dito, in my opinion, better na gamitin ang perang pambayad to give them comfortable retirement and secure their health kaysa maibayad lang yan sa interest.

Anyway, marawriteoff iyan sa books ng creditors at puwede nilang bawiin sa estate ng magulang mo.

Cash may not be the best form of financial help

Fungible ang cash, madali itong mapagpalit-palit. Ang perang budget para sa pagkain ay maaring maginng budget din para sa pagtulong sa kapamilya, pambili ng bagong damit at iba pang bagay.

Kaya kung magbibigay ng financial help sa mga magulang, iwasang gawin itong cash. Ang maganda ay iidentify ninyo ang susustentuhan sa kanila. Puwedeng ito ay groceries, renta sa bahay, tubig, kuryente, medisina.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang turuan kung saan nagamit ang pera. Gagawin mo lamang ito kung ikaw ay financially stable. Only give what you can afford, alalahanin ang YAGO – you also grow old.

You cannot help financially, kung hindi ka financially stable dahil napakalaki ng tsansang matulad ka sa mga magulang mo na hindi ka prepared sa retirement. I think, hindi rin magugustuhan ng mga magulang mo na mangyari ito sa iyo.

Non-monetary ways to help

Ang pinakamabisang paraan kung hindi kayang magbigay ng monetary assistance sa mga magulang ay yayain silang tumira sa iyong bahay. Sa ganitong paraan, malaki ang matitipid dahil hindi na kailangang mag-maintain ng dalawang bahay at iisa na lang ang lutuan.

Plus, you could have an extra helping hand at home. Bak adi na kailangang kumuha ng kasama sa bahay kasi puwedeng si lolo at lola ang mag-alaga sa mga bata.

You can also help them write a budget at tulungan silang magplano. You can also run errands for them or help them in their chores kung sila ay nakabukod. Samahan mo silang magsimba o mamasyal – keeping them company is another way to show you care.

Kung gusto mo talaga tumulong financially, work extra at yung kikitaing mong extra ang ibibigay mo sa kanila. You do this para hindi masakripisyo ang iyong sariling financial future.

Comfortable retirement for parents and financial security for you

Kung gagawin ang mga tips sa itaas, malaki ang tsansa na magiging matiwasay ang retirement ng iyong ga magulang na hindi kinakailangang ialay mo iyong sariling financial future. Laging tandaan na marami ka pang puwedeng gawin para tulungan ang mga magulang mo maliban sa money matters.

Ang mahalaga, panatilihin ninyo ang pagmamahalan sa bawat isa.

I can not overemphasize the importance of planning. Kung humantong kayo ng pamilya mo na hindi prepared ang magulang sa kanilang retirement, please take it as a wake up call. You can break the cycle of dependency by preparing well for your financial future now.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: