was successfully added to your cart.

Cart

Paano Mapalago ang Iyong Pera: Gabay sa Iba Pang Investment Products

Sa panahon ngayon, maraming paraan para mag-invest at palaguin ang ating pera. Isa na rito ang pag-explore sa iba’t ibang investment products. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang ilan sa mga ito, kasama na ang coop investing, PERA accounts, franchise, cryptocurrencies, at ang pag-invest sa gold. Alamin natin kung paano ito magagamit sa ating advantage.

 

Cooperatives

Una, mayroon tayong coop investing. Lagi ko ‘to nirerecommend. Itinuturing ito na high-risk investment pero mataas yung social impact, kaya favorite ko ito. Gagamit tayo ng “COOP PESOS” na scoring. Hinahanap natin dito ay yung may 80 points at least, tapos dapat 10 years na silang established at may sarili silang head office, hindi nagre-rent, ha?

 

Personal Equity Retirement Account

Sunod, yung Personal Equity Retirement Account, or PERA. Ito, parang marami siyang investment options sa loob ng PERA account. Kahit hindi OFWs, pwede mag-contribute, hanggang ₱100,000, pero sa OFWs, pwede hanggang ₱200,000. Voluntary ‘to, dagdag sa retirement fund natin. May tax benefit din, at pwede mo lang mawithdraw ‘pag umabot ka na ng 55 years old. Sa akin, mga 10 years pa. Sa PERA account, may UITF, mutual funds, annuity, insurance pension products, at iba pa. Pwede kang pumili kung ano ang gusto mo sa loob ng PERA. This may include pre-need pension, shares of stock, exchange traded funds, at government securities.

 

Franchise

Kung gusto mo ng hands-on, pwede rin mag-invest sa franchise. Ang pag-invest sa franchise ay isa pang magandang opsyon para sa mga nais magkaroon ng sariling negosyo na may gabay at suporta ng isang established brand. Mahalaga ang pagpili ng franchise na align sa iyong interes at values, at mayroong proven track record ng success para masiguro ang magandang return sa iyong investment.

 

Cryptocurrencies

Pagdating sa cryptocurrencies, personally, hindi ko ito inirerecommend. Dahil decentralized at gumagamit ng blockchain technology, walang fixed na nagde-determine ng value, making it very volatile. Although tumataas yung market, nakakakaba pa rin. Hindi rin ito regulated, so pag may problema, mahirap magreklamo.

 

Gold

Ngayon, usapang gold investments. Kung mag-iinvest sa gold, stick tayo sa bullion—yung mga coins, blocks, or bars. Kapag nagtetrade kasi ng gold, yung craftsmanship, nawawala. Yung mga sinusubasta, tinutunaw tapos ginagawang coins, blocks, or bars, na mas stable compared sa ibang forms.

 

Invest wisely

Ang pagpili ng tamang investment ay depende sa iyong life goals. Siyempre, lagi nating dapat piliin yung may positive social at environment impact. Mahalaga ang pagiging informed at pagkakaroon ng tamang estratehiya. Tandaan, ang susi sa successful investing ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at ang pagpili ng investments na swak sa iyong financial journey.

 

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: