was successfully added to your cart.

Cart

Paano Maging Matalino sa Pagtaya sa Lotto

Kumusta, mga KaSosyo at KaNegosyo! Usapang lotto tayo ngayon – isang mainit na paksa na laging may kontrobersiya at pag-asa para sa marami sa atin. Nabalitaan niyo ba yung kaso ng 47-year-old housewife mula San Jose del Monte, Bulacan, na nanalo ng ₱43 million sa lotto? Aba, talaga namang pinag-usapan yan, lalo na nung lumabas na pinotoshop pa ang damit niya sa mga larawan. Pero, higit sa lahat, ang tanong natin: paano ba talaga tayo siguradong mananalo sa lotto?

Simple lang ang sagot, KaSosyo, pero hindi ito kung ano ang inaasahan mo. Para siguradong manalo, kailangan bilhin mo lahat ng posibleng kombinasyon ng ticket sa lotto. Pero teka, practical ba ito? Kung tutuusin, sa 6/58 ultra lotto, ang chance mo ay isa sa 40.4 milyon. Ibig sabihin, mas mataas pa ang chance mo na tamaan ng kidlat ng apat na beses kaysa manalo sa lotto. Kailangan mo ng halos ₱969.6 milyon para bilhin lahat ng kombinasyong ito! At kahit manalo ka, may tax pa na 20%. Kaya need mo pang antayin na umabot sa around PhP1.2B ang prize money bago mo bilhin lahat ang tickets.

May kwento pa nga tungkol kay Stephan Mandelian, na sinubukang bilhin ang lahat ng numero. Gumawa pa siya ng korporasyon para dito! Pero ano ang nangyari? Hindi ito naging sustainable, at nasangkot pa siya sa mga scam. Kaya ang lesson dito, mga KaSosyo, lotto ay sugal at dapat ituring na libangan lamang at hindi bilang pangunahing estratehiya para yumaman.

Kaya, ano ang maipapayo ko? Iwasan natin ang mga biglang yaman strategies na tulad nito. Mas mainam pa rin ang matalino at maingat na pagplano ng ating financial future. Sa halip na umasa sa swerte ng lotto, mas magandang mag-focus sa pag-iipon, pag-invest, at pag-aral ng tamang paghawak ng pera.

Tandaan, ang tunay na yaman ay hindi lang nasa biglaang pagkapanalo, kundi sa pagiging masinop, matiyaga, at maalam sa paghawak ng pera. Huwag tayong maging biktima ng maling pag-asa. Sa halip, maging matalino tayo sa pagpapalago ng ating pinaghirapan.

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: