was successfully added to your cart.

Cart

Paano Maging KaSosyo at Kumita ng 9% per Annum!

Mga KaSosyo at KaNegosyo, kilalanin natin ngayon ang pinakabagong pasabog ng SEDPI Cooperative – ang SEDPI Social Microfinance 6 (SSM6)! Exciting ‘to dahil mayroong 9% annual profit share ang offer na ‘to.

 

Ano ang SSM6?

Ito’y isang joint venture savings kung saan pwede kang mag-contribute ng minimum ₱10,000 hanggang ₱500,000 sa loob ng 6 na buwan. Ang kagandahan dito, buwan-buwan ang payout at a fixed rate na 9% based on diminishing balance ang kikitain mo.

Dito sa SEDPI, dalawa ang ating mga partner – ang KaNegosyo at KaSosyo. Ang KaNegosyo, sila ang mga users of funds, kadalasan nano-enterprises sa Mindanao, habang ang KaSosyo, kayo ‘yun – ang ating mga sources of funds, na binubuo ng OFWs, retirees, empleyado, micro at small enterprises, at social investors.

Ang malilikom na pondo mula sa SSM6 ay siyang gagamitin para magbigay ng kapital sa mga KaNegosyo members natin sa Mindanao.

 

Ano nga ba ang SEDPI Social Microfinance?

Instead na mangutang sa members sa five-six o magssangla ng kanilang lupa, ang mga KaNegosyo members natin ay binibigyan natin ng kapital para sa palaguin ang kanilang nanoenterprise.

 

Joint Venture, Hindi Loan

Sa ibang institutions, loans ang usapan. Pero dito sa atin, joint venture capital contribution ang focus. Ang goal natin ay hindi lang mangolekta ng bayad, kundi palaguin ang negosyo ng ating mga members. Partner tayo sa kanilang pag-unlad, hindi lang basta creditor. Simula 2016, lumobo na tayo sa 19,840 members nitong 2023.

 

Pag-ipon, Hindi Utang

Tinuturuan natin ang ating mga members na mag-ipon at mabawasan ang pag-depende sa utang. Kasi naniniwala tayo na mas mainam ang malaking sariling kapital kaysa malaking utang. Iba rin ang approach natin pagdating sa charges – service charge lang, walang interest, walang penalty.

 

KaTambayayong: Damayan System

Sa SEDPI KaNegosyo, hindi lang basta insurance ang offer natin, kundi isang damayan system na ‘KaTambayayong’. Mabilis ang proseso ng claims, at bukod sa life insurance, mayroon ding sickness, calamity, fire, funeral, at accident benefits.

 

Paano Sumali sa SEDPI Coop?

  1. Umattend ng online Pre-membership Education Seminar.
  2. Ideposit ang initial share capital, membership fee, at joint venture savings.
  3. Mag-login sa SEDPI KaSosyo Online account para ipaalam ang deposit.

 

Yan ang SSM6. Kung interesado ka sa 9% per annum na kita, ito na ang chance mo. Maging parte ng ating journey at tumulong habang kumikita.

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: