was successfully added to your cart.

Cart

Paano magbayad ng SSS at PagIBIG kung isang OFW

By November 26, 2019 Pag-IBIG, SSS

Paganda nang paganda ang mga programa ng gobyerno para sa savings and retirement sa pamamagitan ng SSS at PagIBIG. Maraming OFWs ang gustong mag-contribute dito kaso hindi nila alam kung paano at saan magbabayad sa kanilang host country.

Philippine embassies and consulates

Sa mga bansang may malaking populasyon ng mga Pinoy, karaniwang may representative offices ang PagIBIG at SSS dito. May mga representative offices na tumatanggap ng bayad tulad sa konsulato sa Milan pero ang iba naman ay applications and updating lamang ang maaring gawin.

Partner remittance companies

May mga partner remittance agencies ang SSS at PagIBIG abroad kung saan puwedeng direktang magbayad ng iyong SSS at PagIBIG contributions. Nagagawang mas accessible ang payment sa pamamagitan ng mga remittance agencies.

Kaya lang, masyadong mataas ang remittance charge at nakakapanghinayang na bayaran buwan buwan. Halombawa, magreremit ng PhP5,000 para sa MP2 ng Pag-IBIG ang charge ng remittance company ay umaabot sa PhP300.

Ito ay 6% ng inihulog at halos katumbas ng dividend na binibigay ng PagIBIG MP2 kada taon. Hindi sulit.

Ang isang solusyon dito ay gawing bultuhan at magbayad ng advance sa SSS o PagIBIG para hindi paulit-ulit ang pagbabayad sa remittance charge. Puwedeng magbayad ng quarterly, semi-annual at annual in advance para sa SSS at PagIBIG.

Alam kong para sa iba ay mas mahirap itong gawin dahil nandiyan ang temptasyon na gastusin ang perang inilalaan para sa SSS at PagIBIG. Kaya, disiplina ang kailangan.

Online banking

Kung may bank account sa Pilipinas at naka-enroll sa online o Internet banking nila, maari itong gamitin sa pagbabayad ng SSS at PagIBIG. Pumunta lamang sa pay bills ornoay government sa menu at hanapin ang SSS at PagIBIG.

Kung wala ka nito, I suggest na ito ang asikasuhin mo pag-uwi mo ng Pilipinas. Magbukas ng bank account sa mga commercial banks at i-enroll ito sa online banking.

Once abroad, puwede ka nang magpadala ng pera sa iyong sariling bank account at pagkatapos ay bayaran ang SSS at PagIBIG contributions sa pamamagitan ng online banking.

Mobile money

Another option ay sa pamamagitan ng mobile money. Kung may bank account sa Pilipinas puwede mong i-link ito sa isang mobile money account.

Sa mobile money account, may option din ng payment sa SSS at PagIBIG na maaring mahanap sa pay bills o pay government.

Credit card

Maaari ding magbayad gamit ang credit card sa SSS at PagIBIG pero may charge na 1.5% to 3.5% depende sa card na gagamitin. Malaki pa din ang fees na ito kung tutuusin.

SEDPI membership

Ang SEDPI ay may partnership sa SSS at PagIBIG bilang advocate at collection agent ng mga ito. Maaring magbayad ng contribution sa SSS at PagIBIG.

I-fill up ang SEDPI membership application form online. Ito ang mga online forms na para sa SSS at PagIBIG.

PagIBIG membership form through SEDPI
SSS membership form through SEDPI

I-deposit ang SSS at PagIBIG contributions sa bank accounts na ito:

Account name: SEDPI Development Finance Inc.
Bank: Banco de Oro Unibank
Account Number: 004690059449
Address: G/F Macdouton Bldg., 768 EDSA near corner East Ave., Brgy. Pinyahan, Quezon City, Philippines
SWIFT: BNORPHMM

Account name: SEDPI Development Finance Inc.
Account number: 3081115825
Bank: Bank of the Philippine Islands
Address: Katipunan Avenue, Quezon City
SWIFT: BOPIPHMM

Once nakapag-deposit na, i-advice ang inyong SSS or PagIBIG contribution online para ma-validate namin ito.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: