was successfully added to your cart.

Cart

Paano i-compute ang Average Daily Balance (ADB)

By December 28, 2019 Uncategorized

Ang average daily balance (ADB) ay isang karaniwang accounting method sa pag-compute ng interest sa savings at loans ng mga financial institutions, at dividends sa mga korporasyon. Kinukuha nito ang ang total ng balanse ng account bawat araw at dinidivide sa bilang ng araw sa billing period o statement period.

Sinu-sino ang gumagamit ng ADB?

Ginagamit na basehan ang ADB sa pag-compute ng interest at dividend dahil ito ang mas tama kaysa sa end of period balance. Mas makatarungan at mas accurate ang paggamit ng ADB kaysa end of period balance. Sa katunayan, walang financial institutions ang gumagamit ng end of period balance.

Lahat g bangko sa Pilipinas, ADB ang ginagamit sa pag-compute ng interest sa savings na babayaran nila sa kanilang mga depositors. Lahat ng credit card companies ADB din ang gamit sa pag-compute sa interest n babayaran ng mga credit card holders nila sa kanila.

Ang Pag-IBIG MP2 ay isang halimbawa ng korporasyong gumagamit ng ADB sa calculation ng pagibibigay ng dividends sa mga miyembro nito.

End of period calculation

Tingnan ang halimbawang table na nagpapakita ng transaction sa loob ng isang taon sa isang rural bank savings account.

Makikitang tatlong beses naglagay ng deposit ang depositor at isang beses siyang nagwithdraw sa magkakaibang petsa. Ipagpalagay natin ang billing period o statement period ay 1 year at ang interest rate ay 4% per annum. Ang billing period o statement period at interest rate ay depende sa organisasyong at transaksyon.

Kung end of period balance ang gagamitin, PhP165,000 ang magiging basehan ng kalkulasyon dahil ito ang ending balance ng December 31. Ang interest na makukuha base dito ay PhP6,600.

Dehado ang bangko sa kalkulasyong ito dahil 53 araw lang sa loob ng isang taon na naging 165,000 ang balanse ng depositor. Mas maraming araw na mas mababa ito kaysa dito. Llamado naman ito para sa depositor.

Sa isang magandang business transaction, dapat walang dehado at llamado. Patas dapat ang magkabilang panig

ADB calculation

Para magkaroon ng patas na kalkulasyon sa transaksyon, ADB ang isang magandang paraan dito. Sa halimbawa natin, bibilangin natin kung ilang araw ang nakalipas mula February 25, 2015 hanggang March 30, 2015, ito ay 33 days. Ibig sabihin, 33 days sa loob ng tano na yun na ang balance ng depositor ay PhP100,000.

Uulitin natin ang pagbibilang na ito sa bawat araw na may transaction. Lumalabas na ang depositor ay nagkaroon ng balance na PhP150,000 for 83 days mula March 30, 2015 hanggang June 21, 2015.

Dahil sa PhP20,000 withdrawal noong June 21, 2015, PhP130,000 ang balance ng depositor for 135 hanggang November 8, 2015. At dahil sa deposit na PhP35,000 noong araw ding iyon, 53 days na PhP165,000 ang balance ng depositor hanggang sa katapusan ng taon.

Ngayon ay kukunin natin ang average daily balance sa bawat period of transaction. Sa period 1, imumultiply natin ang PhP100,000 na balance sa 33 days at ang sum nito ay ididivide natin sa 365 days (dahil may 365 days sa isang taon na siyang statement period natin). Magreresulta ito PhP9,041 ADB for the period.

Uulitin natin ito sa susunod na transaction period – period 2. Imumultiply natin ang PhP150,000 na balance sa 83 days at ang sum nito ay ididivide natin sa 365 days. Magreresulta ito sa PhP34,110 ADB for the period. Gagawin natin ang prosesong ito sa lahat ng transaction periods – periods 3 and 4 – at makukuha natin ang PhP49,863 at PhP23,959 na ADB for the remainig two periods.

Para makuha ang avarage daily balance para sa taon, kukunin natin ang sum ng ADB for the four periods at ito ay PhP116,973.

Ang gagamitin sa pag-compute ng interest ay PhP116,973. Kaya ang kinitang interest ng depositor sa taong 2015 ay PhP4,679 sa halip na PhP6,600 kung ikukumpara sa end of period balance calculation.

Fair calculation

Sa pamamagitan ng average daily balance method, hindi na dehado ang bangko at makatarungan ang makukuha ng depositor. Kaya ginagamit itong standard ng mga external auditors at maging ng mga gobyerno sa buong mundo.

Ito ang dahilan kung bakit sa SEDPI Group of Social Enterprises, average daily balance din ang gamit namin.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: