was successfully added to your cart.

Cart

Paano Gawing Kaibigan ang Inflation Ngayong Krisis?

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!

Sino ba ang hindi naaapektuhan ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina ngayon? Dahil ang gasolina ay napakahalagang sangkap sa ating supply chain at transportation, ramdam na ramdam natin ang domino effect nito sa mabilis na pagtaas ng presyo ng ating mga pagkain at bilihin. Ito ang tinatawag nating inflation. Siyempre, bilang paalala ko sa inyo ngayong panahon ng krisis: Do not splurge dahil may oil surge! At huwag din nating kalimutan ang ating main guideline: sa budget kumapit, sa utang huwag sumabit.

Talaga namang nakakainis at napakahirap para sa karaniwang Pilipino ang pagtaas ng inflation. Kung ikaw ay isang ordinaryong consumer o empleyado, ramdam na ramdam mo ang negative effect nito dahil lumiliit ang purchasing power ng iyong pera; tumataas ang mga bilihin pero hindi naman sumasabay ang pagtaas ng iyong sweldo.

Pero alam niyo ba na pwede nating i-take advantage ito? Yes, you can make inflation your friend!. Ang sikreto dito ay nakadepende kung ano ang role mo sa ekonomiya: ikaw ba ay isa lamang consumer at empleyado, o ikaw ba ay isa ring investor at entrepreneur?.

Kapag ikaw ay investor o entrepreneur, mayroon kang leeway para makabawi sa inflation. Kahit tumaas pa ang presyo ng mga supplies o inputs mo, maaari mo ring itaas ang presyo ng iyong mga produkto o negosyo para tuloy-tuloy pa rin ang iyong kita. Upang magawa nating kaibigan ang inflation at hindi lang tayo naiiwan sa negative effects nito, heto ang mga diskarte natin:

  1. Create Multiple Sources of Income

Huwag tayong umasa sa iisang sweldo lamang. Gumawa tayo ng iba’t ibang pagkakakitaan through employment, investment, at entrepreneurship.

  1. Magtayo ng Inflation-Friendly Businesses

Ang mga basic goods ay tinatawag nating inflation-proof products, kaya magandang magtayo ng negosyo na nasa larangan nito. Pwede kang mag-microselling ng essentials. Halimbawa, kung magluluto ka ng ulam para sa inyong pamilya, medyo damihan mo na, i-pack mo ang iba, at ibenta mo sa iyong mga ka-opisina.

Wala pong nakakahiya kapag gagawin mo iyan, basta sumusunod sa batas, marangal po iyan!. Kung gusto mo naman ay sa digital economy, patok din ngayon ang mga digital services tulad ng video editing, graphics design, online tutoring, live selling, bookkeeping, at virtual assistant jobs.

  1. Maglagay sa Inflation-Friendly Investments

Kung may natatabi ka sa iyong emergency fund at savings, ilagay ang iyong sobra sa mga inflation-friendly investments tulad ng real estate o ng Pag-IBIG MP2. Pwede rin tayong bumili ng inflation-busting products tulad ng solar panels at electric vehicles o motorsiklo na makakatipid sa atin sa katagalan.

Sa panahon ng krisis, hindi pwedeng panay reklamo lang tayo, kailangan din nating mag-adjust at mag-isip ng paraan. Kung hindi sapat ang ating kinikita, dapat tayong lumipat mula sa pagiging purely consumer papunta sa pagiging ma-diskarteng entrepreneur at investor.

Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.