Noong 2017, na-open heart surgery ang nanay ko; 2018 na-stroke si papa; at nitong 2019 ay nag-surgery siya para sa aneurysm. Noong mga panahong iyon ay abot-abot ang dasal ko na huwag muna sila kunin ni Lord dahil una, di ko pa kaya (yes, I’m a mama’s boy and papa’s boy by heart); at pangalawa, gusto ko pa silang ilibot sa mundo at ipakita ang mga naranasan ko.
YOLO versus YAGO
Nasa tail end ako ng Generation X kaya gets na gets ko ang YOLO o You only live once principle ng mga millennials. Pero lagi ko ding naiisip ang paalala at payo ng aking mga baby boomers na magulang – YAGO – You also grow old.
Sa YOLO, ang argument ay hindi mo alam kung kailan ka mamamatay kaya you have to enjoy every minute of it. Pero yan din naman ang argumento ng YAGO. Paano kung matagal ka pang mabubuhay? Kung uubusin ang resources ngayon, paano na ang bukas?
Pareho namang may point at pareho namang valid. Kailangan lang balansehin
Alamin ang mauuna
Sa mga pagkakataong ako ay torn between YOLO and YAGO, I ask myself, ano ba ang time element nito? Ano ang mauuna? Ano ang priority.
For example, sa sinabi ko kanina na sunod-sunod ang medical emergencies ng aking mga magulang, very clear na humihina na ang katawan nila at umiikli ang oras na makakasama ko pa sila. Lagi kasi nilang binabanggit sa akin na gusto nilang sumama sa mga travels ko at pinangako ko naman ito sa kanila.
Base sa priority, nasa five years from now pa dapat ko sila parating isasama sa mga travels ko kapag hindi na ako ganon ka-busy. That’s YAGO talking to me – samantalahin ang energy habang bata para makapaghanda sa future.
Pero dahil sa medical emergencies nila, nanginabaw ang YOLO. Ang middle ground, ipinangako kong magsisilbi akong chaperone nila at least once a year.
Problem solved! Balance is key.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent