Average daily balance ang gamit ng Pag-IBIG MP2 sa pagcompute sa dividend na ibinibigay sa mga members nito. Ang average daily balance (ADB) ay isang karaniwang accounting method sa pag-compute ng interest sa savings at loans ng mga financial institutions; at dividends sa mga korporasyon. Kinukuha nito ang ang total ng balanse ng account bawat araw at dinidivide sa bilang ng araw sa billing period o statement period.
Read: Paano kinocompute ang average daily balance
2015 Pag-IBIG MP2 contribution
Mas madali ang pag-compute sa Pag-IBIG MP2 dahil walang withdrawal na isasaalang-alang. Hindi kasi pinapahintulutan ang withdrawal sa savings product na ito. Let’s say, nag-open ka ng MP2 account noong January 4, 2015 at nag-decide ka na maghulog ng PhP5,000 every month gaya ng nasa table sa ibaba.
Sa average daily balance, bibilangin natin kung ilang araw nanatili ang balance mo given a specific transaction period. In this case, dahil every month ka naghulog, meron kang 12 transaction periods.
Ang first period ay from January 4, 2015 to February 18, 2015 at ang balance mo dito ay PhP5,000. Bibilangin natin kung ilang araw ang nakalipas sa period na ito which is 45 days.
Uulitin natin ito sa bawat period hanggang makaratig tayo sa 12 period sa December 31, 2015 which is the end of the statement period. Ito ay dahil yearly ang statement period ng MP2. Makikita sa susunod na table ang number of days per period.
Ngayon ay kukunin natin ang average daily balance sa bawat period of transaction. Sa period 1, imumultiply natin ang PhP5,000 na balance sa 45 days at ang sum nito ay ididivide natin sa 365 days (dahil may 365 days sa isang taon na siyang statement period natin). Magreresulta ito PhP616 ADB for the period.
Uulitin natin ang prosesong ito hanggang period 12. Para makuha ang avarage daily balance para sa taon, kukunin natin ang sum ng ADB for the 12 periods at ito ay PhP30,986.
Noong 2015, ang dividend rate ng MP2 ay 5.33% kaya ang dividend para sa taong 2015 ay PhP1,652. Nakuha ito by multiplying the avarege daily balance for 2015 which is PhP30,986 and the 5.33% dividend rate.
Kung ang pinili mong dividend payout ay non-compounding, ang dividend earned ay idedeposit sa nominated bank account mo at hindi ito icocompound sa MP2 savings balance mo. Kung walang nominated bank account, magpunta sa nearest Pag-IBIG branch at mag-request ng check payment.
Sa mga pumili ng annual compounding o hindi nila kukunin ang dividend hanggang mag-mature ang MP2 account nila in five years, icocompound ang dividend sa kanilang MP2 savings balance. Ibig sabihin idadagdag ito sa kanilang beginning balance for the year 2016 which will be equivalent to PhP61,652. (Ending balance 2015 is PhP60,000 plus PhP1,652 dividend for the same year.)
Iassume natin na annual compounding option ang pinili natin.
2016 Pag-IBIG MP2 contribution
Ang parating tinatanong sa akin sa MP2 ay kung kailangan daw ba itong hulugan buwan-buwan. Ang sagot ay hindi. Walang minimum requirement ng bilang ng hulog sa MP2 at wala din itong regularity requirement.
Kung gusto mog maghulog araw-araw, puwede. Kung gusto mo isang beses lang sa sa loob ng limang taon na term nito, puwede rin. Basta ang minimum amount na dapat ihulog mo kung magbubukas ng account at kada magdadagdag sa ay PhP500.
Let’s say sa taong 2016, dalawang beses ka lang naghulog sa kung anumang dahilan. Isa noong July at isa pa ulit noong November. Makikita sa susunod na table ang hinulog at ang corresponding balance for the period.
Makikitang ang balance forwarded ay PhP61,652. Naicompound na sa ending balance natin na PhP60,000 ang PhP1,652 dividend na kinita.
Ibig sabihin nito ay bahagi na ng savings natin ang dividend at maisasali na ito sa pagcompute ng average daily balance. Tutubo na ng dibidendo sa taong 2016 ang kinitang dibidendo noong 2015. Iyan ang power ng compounding.
Makikita di sa account na nagdagdag ka ng PhP30,000 at PhP 5,000 ng July at November respectively. Kaya ang ending balance ng December 31, 2016 at PhP96,652.
Ang average days for the covered periods ay makikita sa susunod na table.
Kasunod na table ang calculation ng average daily balance for the year na inult lang natin ang proseso ng computation as in the previous year.
Noong 2016, ang dividend rate ng MP2 ay 7.43% kaya ang dividend para sa taong 2016 ay PhP5,694. Nakuha ito by multiplying the avarege daily balance for 2016 which is PhP76,638 and the 7.43% dividend rate.
2017 Pag-IBIG MP2 contribution
Sa taong 2017, ay hindi ka nakapagdagdag sa MP2 dahil kasagsagan ito ng mga scam sa Pinas, marupok ka at naenganyo dito. Kaya sa scam ka naglagay at hindi sa MP2. Ganito ang mangyayari sa MP2 account mo for that year.
Mapapansing walang pagbabago sa beginning at ending balance dahil walang transaksyong naidagdag gawa nang hindi mo paghuhulog sa M2 account. Sa ganitong sitwasyon, ang average daily balance ay katumbas ng ending balance for the year, hindi na tayo kailangang mag-compute pa for ADB for this year.
Ok lang na wala kang hulog for 2017, kasi uulitin ko, walang requirement ng regular o dalas ng paghuhulog sa MP2. Ang hindi ok ang pagsali mo sa scam. Nag-apura ka kasi, hindi makapag-antay. Ayan, nawalan ka tuloy.
Kung sa Pag-IBIG MP2 mo nilagay yan, 100% guaranteed ng government. Ito lang ang savings program na ganito sa Pilipinas. Kasi ang mga savings sa bangko hanggang PhP500,000 lang ang covered sa Philippine Insurance Deposit Corporation (PDIC), at good luck kung mabigyan ka nila ng return katulad ng MP2.
Kaya wag nang uulit at wag nang papaloko sa mga scammers. Laging tandaan na ang pinakamabilis na paraan ng pagyaman ay kung magdadahan-dahan.
2018 Pag-IBIG MP2 contribution
Dahil sa lesson learned mo sa scam, nanumbalik ang paniniwala mo sa Pag-IBIG MP2. Dumadami na kasi ang nakikita mo sa social media na mga testimonials ng iba’t-ibang tao na naka-benepisyo dito. Nagbagong buhay ka at pinangako na hindi na ulit magpapasilaw sa temtasyon ng scam.
Kaya ang ginawa mo, nag-delegate ka ng specific date na maghuhulog sa iyong MP2 account. Every 15th day of the month mo ito gagawin at nagawa mo nga nang walang mintis. Makikita sa table na susunod ang monthly hulog sa MP2.
Nagulat ka dahil kaya mo naman palang mag-ipon nang mas malaki at hindi mo namalayan, umabot na sa PhP290,646 ang balance mo as of December 31, 2018. Ang susunod na table ay nagpapakita ng average daily balance mo sa buong taon ng 2018.
For 2018, ang dividend rate ng Pag-IBIG sa MP2 ay 7.41%, imumultiply ito sa average daily balance na nakuha natin sa itaas which is PhP196,592. Kaya ang dividend na kinita for that year ay PhP14,567.
So ang magiging balance forwarded for 2019 ay PhP305,213.
2019 Pag-IBIG MP2 contribution
Dahil sa nakikita mo ang paglago ng pera mo sa MP2, pinanindigan mo na at itinuloy ang regular na paghuhulog dito buwan-buwan at minaintain mo din ang PhP15,000 contribution. Ipinapakita ng susunod na table ang iyong statement balance for 2019.
Ito naman ang table na ipinapakita ang computation for the average daily balance.
Para sa taong 2019, hindi pa lumalabas ang dividend rate mula sa Pag-IBIG. Ipagpalagay natin na ito ay 7.00%. Multiplying this with the average daily balance of PhP383,164 will give us a dividend of PhP26,821 for the year.
Sa taong 2019 din matatapos ang 5-year term ng MP2 account na example natin at ang kabuuang amount na makukuha natin ay PhP512,034 (adding the dividend we earned with the December 31 ending balance which is PhP485,213.
Ang pinakamaganda pa dito, makukuha mo nang buo ang dividend na kinita dahil tax exempt ang Pag-IBIG MP2. Unlike sa stocks, UITFs, muutual funds na may bawas na withholding tax.
Regular monthly contribution projection
Siyempre, alam kong excited kang malaman kung maghuhulog ka nregularly buwan-buwan sa MP2, magkano ang makukuha by the end of 5 years. The table shows various scenarios ranging from 5%-8% annual dividend rate at iba’t ibang regularly monthly contribution from PhP1,000 to PhP1 million.
Patronize Pag-IBIG MP2
Makikitang napakaganda talaga ng savings program ng Pag-IBIG. Here are the main features na gustong gusto ko sa financial product na ito:
- Tax-free
- 100% government guaranteed
- Low account opening amount requirement
- Top-up when able
- 5 years maturity
- Option for dividend compounding
Ano pang hindinitay mo? Magbukas na ng Pag-IBIG MP2 account!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent