Have a Question?
The 3 Stages of Migration
Now, punta naman tayo sa three stages of the migration process.
- Short-term stage (1–2 years)Dito, usually ginagamit natin ’yung income to:
• Pay off debts
• Get health and term insurance
• Start building an emergency fund - Medium-term stage (3–5 years)By now:
• Nakakatulong ka na to stabilize your family in the Philippines
• May SSS, Pag-IBIG, possibly government bonds and socially responsible investments
• Dito ka na dapat nagse-setup ng passive income
• And nagsisimula ka na maghanap ng professional growth opportunities - Long-term stage (6–10 years)Dito mo dapat na-achieve ang mga life goals mo, tulad ng isa o higit pa sa mga ito:
• Bahay
• Edukasyon ng anak
• Retirement fund
• Daily needs security
At dito na rin dapat iniisip nakaset na ang reintegration sa Pilipinas
Overstaying Abroad: A Reality Check
Kapag economic reason ang dahilan ng pagpunta abroad—like education ng anak, bahay, capital sa negosyo, or pambayad utang—10 years max lang dapat. Bakit? Kasi sino ba naman ang gustong mawalay sa pamilya for a decade?
Ang tunay na goal ay family reunification.
Iba pa rin ang tulog kapag may kayakap. ’Yung iba diyan, gumagawa pa ng bagong kayakap abroad—ayun, doble-doble na ang problema!
Integrate or Reintegrate?
Sa totoo lang, dapat malinaw na agad sa simula pa lang: Mag-i-integrate ka ba sa host country?
O magre-reintegrate ka sa Pilipinas?
Kung hindi malinaw, mauuwi sa dobleng gastos:
• Dalawang bahay: isa sa abroad, isa sa Pilipinas
• Minsan, dalawa na rin ang pamilya. Hindi yan joke. Marami akong kilalang ganito ang set-up. Abroad iba ang family, sa Pilipinas, iba ang family.
Lahat ’yan may financial consequences.
Family Financial Planning & Accountability
Kailangan may buy-in ang buong pamilya. Hindi puwedeng ikaw lang ang magdadala ng income. Mas maganda kung multiple sources.
Turuan din natin ang mga anak natin ng financial responsibility—kasama na ang reproductive health education. Reality check: ilang taon ka nung nabuntis ka or kinasal? ’Wag puro “bawal,” turuan din ng responsible choices at proper reproductive health protection.
Kung hindi, baka magkamali sila—eh ikaw pa rin ang mamomroblema. Hindi lang anak mo, pati apo mo.
Marami sa mga OFWs, 20 years na abroad para sa apo. Eh paano naman ikaw?
Crystal clear life goals
Ang goal ng migration ay hindi para tumanda sa abroad. Dapat may malinaw na plano—para hindi ka lang basta kumakayod, kundi para may tinatahak kang direksyon.
Ang tunay na pagyaman, kasama dapat ang pamilya.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service. Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent