was successfully added to your cart.

Cart

Senyales ng paglago ng ating community na hindi ko na talaga kaya maharap ang pangangailangan ng bawat isa. Kung dati ay nakakasagot pa ako nang personal sa mga chats at mga comments, ngayon ay nagagawa ko pa rin naman kaso di ko na talaga kayang sagutin lahat.

Marami din ang nanghihingi ng personal na advice. Marami nga nagtatanong kung magkano daw ang consultation fee ko, pero di ko talaga gusto ang magpabayad para sa pagbibigay ng advice. The most na pinapagawa ko ay makipagkita sa akin at ilibre ako ng pagkain – kape, lunch, dinner minsan breakfast.

Matagal ko nang planong imultiply ang aking sarili at magkaroon ng alagad. Pero siyempre, kailangang piliin at salain kong mabuti ang mga gustong sumali dito. Ito ay dahil may basbas ko ang kanilang mga advice at nagdaan sila sa aking training program at nag-volunteer na din sa ating mga activities.

Sila ang tinatawag kong conVINCEr mentors!

Maari niyo silang ma-contact directly at magpa-mentor sa kanila bukod sa akin. Rest assured na ang mga binibigay nilang advice ay may kumpiyansa akong halos kapareho ng magiging advice ko.

Malaking pasasalamat sa kanila sa pagpayag bilang maging conVINCEr mentor. Hindi biro ang maglaan ng oras para tumulong sa kapwa na hindi nababayaran. Kaya sana ay bigyan niyo sila ng respeto at paggalang, the way na (feeling ko) nirerespeto o ginagalang niyo ako.

Largely voluntary basis po sila magbibigay ng advice bilang mentors. Sila din po ang masigasig na nagmomoderate sa ating Usapang Pera Group.

Actually, nagbayad po sila ng registration free para makaattend ng aking training of trainers on financial literacy para may pambayad sa venue, materials, pagkain at iba pang kailangan sa training. In turn, ni-waive ko naman ang aking professional fee.

Ganyan kami ka-committed maging advocate sa financial literacy. Kaya sana kung iaapproach niyo sila ay seryoso kayo at iimplement talaga ang mga advice para sa masagana at masayang pamumuhay.

Maaring in the future ay magkaroon sila ng kaunting remuneration pero inaayos pa namin kung paano. Rest assured, hindi po ito sandamakmak o libo-libo.

Anyway, here are the first five conVINCEr mentors!!!

(Click on their names para mabisita ang kanilang Facebook profile)

  1. Analyn Bontilao – Philippines
  2. Erwin Brunio, PhD – Japan
  3. Jeric Defante – United Arab Emirates
  4. Jan Michael Tampos – United Arab Emirates
  5. Lia Ligsay Tatel – United Arab Emirates

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: