Mabuhay, mga KaSosyo at KaNegosyo! Vince Rapisura po, ang inyong financial guro, at your service to make your every peso count. Ngayon, pag-usapan natin ang isang bagay na baka hindi n’yo napapansin – yung pagtaas ng presyong di mo masyado ramdam o tinatawag na “shrinkflation.”
Pansin mo bang parang nabawasan ang laman ng iyong paboritong chips? O kaya, bakit mas maliit ang Christmas ham ngayong taon kumpara last year? Hay naku, hindi mo ‘to iniimagine. Iyan ang mundo ng shrinkflation, kung saan nagiging slim ang mga paborito nating produkto habang ang presyo, steady pa rin. Kaloka ‘di ba?
Pero huwag kang mag-alala! Handa akong tumulong. Narito ang ilang tips para maenjoy mo pa rin ang holiday season kahit may shrinkflation:
- Maging Planner King o Queen: Ngayong Pasko, ilabas ang inner Santa mo at gumawa ng listahan (check it twice!). Hindi lang para sa regalo, pati na rin sa iyong holiday budget. Piliin ang mga personal na handa o regalo – yung sarili mong gawa, para mas meaningful. Halimbawa, sinong ayaw sa iyong secret adobo recipe kumpara sa mga regalong binibili sa tindahan? Instead of pricey gifts, consider the acts of service, quality time, or words of affirmation. A heartfelt letter? A home-cooked meal? Priceless.
- Maging Matalinong Mamimili: Itreat mo ang teknolohiya bilang iyong best friend. Gamitin ito para hanapin ang mga sale online, mga discount, at mga promo. Humanap ng mga substitutes. Madalas sa mga tiangge, talipapa pati mga generic brands ay nagbibigay ng parehong quality pero mas abot-kaya. At kapag nakakita ka ng magandang deal sa mga di nabubulok na pangangailangan tulad ng sabon, toothpaset, shampoo? Bumili ng maramihan!
- Mag-Potluck Kaysa Mag-Splurge: Mag-imbita ng pamilya para sa isang potluck-style Noche Buena. Parang mini-food fest kung saan lahat ay may dala-dalang espesyal na putahe. At syempre, mas masarap kumain ng leche flan ni Tita Baby kasama ang spicy caldereta ni Kuya Jun!
- Dagdagan Ang Kita: Baka ito na ang panahon para gawing negosyo ang iyong hobby o mag-invest sa online course na gusto mo. Alam mo ba na ang real estate ay maaari ding maging proteksyon laban sa inflation? Isipin mo ‘yan!
Tandaan, KaSosyo at KaNegosyo, ang Pasko ay higit pa sa mga bagay-bagay. Ito ay tungkol sa kasiyahan, tawanan, at sa mga alaala na ginagawa natin, at higit sa lahat, sa pagmamahal na ibinibigay at tinatanggap natin.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent