was successfully added to your cart.

Cart

Natutulog ba ang pera mo?

By June 26, 2019 Investments

Lumalaki ang propensity to invest nating mga Filipino, lalong-lalo na ang mga OFWs. Dahil sa kagustuhang makaahon sa kahirapan at magkaroon ng maayos na pamumuhay, laging tayong on the lookout sa mga investment opportunities.

Nakakawalang gana daw ang mag-iwan ng pera sa bangko dahil napakababa ng interest. Hindi daw nararamdaman ang paglago ng pera dito.

Here are my guidelines to investing para hindi naiiwang natutulog sa bangko ang pera.

Start with a purpose

Pag-isipan munang mabuti kung ano ang dahilan ng pag-iinvest. Kailangan malinaw kung saan ito gagamitin.

Sinusundan lang kasi ng investment ang purpose. Dapat maidedeliver ng investment nang sigurado ang paggagamitan natin nito.

Para mas maintindihan, imagine na tinanong niyo ako kung ano ang mas magandang isuot at bagay sa inyo sabay pakita ng sando at long sleeves. Para siguradong tama ang pipiliin kong sagot, kailangang kong tanungin saan gagamitin ang damit, kapag nasagot ito, doon ko pa lang masasabi kung ano ang nababagay.

Kung ang gamit ay pantulog, then sando ang sagot. Kung ang gamit naman ay para um-attend ng kasal, then long sleeves ang sagot.

Di ba?

Ganun ang investing, kaya always start with a purpose. Para magawa ito, sumulat ng financial plan.

One or more investment per financial goal

Investment style ng marami ang magkaroon ng maraming financial dreams o financial goals at iaasa lang ito sa iisang source of income o investment. Baliktad. It should be the other way around.

For example, para sa financial goal na retirement, mas maganda kung maraming source of income or investment ang panggagalingan ng pondo nito. Katulad ng SSS pension, Pag-IBIG Savings, rental property income etc.

Another example, para sa financual goal na education pf children, mas maganda kung maraming source of income or investment ang pang-pondo nito. Katulad ng, suweldo, bonus o 13th month pay, MP2, time deposit, government bonds etc.

Ang usual kasi ay may investment sa stock market tapos ang purpose nito ay para sa maraming bagay: pang-retirement, pampaaral sa anak, pagpapagawa ng bahay etc.

Gets?

Save before you invest

Napakaimportante nito: matuto munang mag-ipon bago mag-invest. Umiwas sa shortcut at bigla na lang tatalon papuntang investment e hindi praktisado pag-iipon.

Ang savings goal mo ay magkaroon ng katumbas ng 9 months of expenses. Ito ay para sa emergency fund mo.

Get insurance protection

Para sa akin, health insurance dapat ang priority ng lahat. At the minimum, kailangan may PhilHealth. Dagdagan ito ng health maintenance organization (HMO) for preventive health care at health insurance with emergency care.

You only need life insurance if you have dependents. If you need it, get term insurance and do Buy Term Invest the Difference. Iwasan ang mga investment-linked insurance.

Investments should follow SLImR-  Security, Liquidity, Impact then Returns

Security

Alamin kung gaano katatag ang organisasyon o negosyo na paglalagyan ng investment. Will you sleep soundly at night; or will you be preoccupied praying for the safety lf your money?

Isang mabilis na paraan para makita ang katatagan ng isang organisasyon ay kung gaano na ito katagal sa business. Usually, kapag mas matagal, mas tumatatag ito. For me, ang organization o negosyo na may sampung taon pataas ay senyales na may katatagan ito.

Of course, that is only one measure. There are other measures you can check such as compliance to government regulations; evaluation of financial statements; market research at iba pa.

Liquidity

Liquidity ang tawag sa bilis ng investment na maging cash o pera. Liquid na maituturing ang time deposits, UITFs at mutual funds dahil mabilis itong maliquidate o makuha bilang cash.

Alamin kung kailan mo kakailangan ulit ang pera mo at i-match ang investment kung gaano ito kabilis kailangan para maging cash. For example, bad idea na iinvest sa lupa ang perang kakailanganin mo next year.

Choose short term investments for short term financial goals; and then long term investments para sa long term financial goals.

Positive social impact

We have to make sure na socially responsible ang investment natin.

Itanong sa sarili kung nakakatulong sa kapwa lalong-lalo na sa mga mahihirap. Baka naman hindi tama sa pagpapasuweldo ang mga ito sa kanilang mga empleyado at endo contract ang gawain.

Titingnan din dapat natin kung yung organisasyon o negosyong pinag-investan natin ay nagpi-preserve at pumoprotekta sa kalikasan. Baka naman sila ang nangungunang kalbuhin ang ating mga bundok at simutin ang ating karagatan.

Intindihin din dapat natin kung paano kumikita ang investment. Baka naman nangunguna ito sa scam.

Always remember na ang investment natin ay nakakapagpaginhawa sa buhay natin at nakakapagpaginhawa din sa buhay ng iba.

Returns

After evaluating security, liquidity and impact; saka pa lang natin titingnan ang returns o ipinapangakong kita ng investment na papasukan. Iwasang maging greedy at masilaw sa pera. Dito madalas nawawalan ng pera.

Kung ang financial goal natin ay para sa pangunahing pangangailangan tulad ng pabahay, pampaaral sa anak, pang-retirement at health fund, dapat capital preservation ang habol natin. Ibig sabihin, mababa dapat ang chance na mabawasan ang pera natin dahil sa panganib ng investment.

Ano dapat ang rate of return o profitability goal natin? For me, ang first level of investment return ay to beat inflation. Kung may mahanap tayong ganitong investment returns, matuto tayong makuntento.

I also have what I call an entrepreneurial rate. Ito ang rate of return na target kung tayo mismo ang nagpapatakbo o nagpapalakaf ng investment. Ibig sabihin we don’t just invest money but we also invest our time, energy, knowledge, skills and network.

Sa madaling sabi, active investor tayo. In this case, we can aim for a higher profitability to reward our effort. Para sa akin, this could be up to 25% per annum. Anything in excess might be making us greedy.

Invest in yourself

Gaya ng lagi kong sinasabi, ang pagyaman, napag-aaralan. So, invest inyourself. Read books and attend seminars on money management.

Training opportunities

Macau: July 13, 2019
Singapore July 18-21, 2019

 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


One Comment

  • Darrel says:

    Sir Vince kung ang plano ko po ay mag apply as immigrante o manirahan sa ibang bansa, mainam pa po ba na mag invest halimbawa sa MP2 or life insurance with investment? Salamat po

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: