Have a Question?
Mga KaSosyo at KaNegosyo, usapang retirement na naman tayo—pero ‘wag mag-alala, kwentuhan lang ‘to para hindi kayo ma-bore.
- Saan ba Tayo Kukuha ng Pondo?
- SSS – Government pension natin.
- Company Lump Sum – Kung may pension benefit ang kumpaniya na pinagtatrabahuhan mo, usually hindi buwanang pensyon ang ibibigay; isang bagsak na pera o lump sum. Kailangan itong pahabain hangga’t maaari—or, kung kaya, may matira pa para sa pamilya.
Common na tanong:
“Sir Vince, anong gagawin ko ‘pag dumating ang lump sum?”
Madalas kasi, ang uunahin ng bagong retiree:
- Magpagawa ng bahay
- Magbakasyon nang todo
Ayun, nauubos, kaya balik-trabaho ang ending. Wala namang mali rito—depende ‘yan sa life goals mo. Pero sayang kung hindi mo paplanuhin nang maayos.
- Trabaho Pa Rin Ba Pagkatapos Mag-retire?
Tingnan mo ‘yung parents ko—75 at 71 na pero ayaw tumigil. Sabi nila, mamamatay daw sila pag walang ginagawa. Pwede raw mag-volunteer, pero mas masaya kung may konting kita din.
Walang fixed formula dito. Ikaw ang magdedesisyon.
May kakilala akong retired couple—nag-invest sila sa isang munting resort sa Aurora. Ngayon, semi-retired na sila:
- Resort living araw-araw
- Tumatanggap ng backpackers para may extra income
Win-win, ‘di ba?
- Simulan Mo Nang Maaga!
Ikaw na nasa 20s pa lang (yes, kayo yan mga Gen Z!), kung maaga kayong mag-umpisa, maaga niyong maaabot ang retirement goals. At oo, maging maingat sa investments:
Ako mismo, never pumasok sa stock market.
Hindi kasi ako tycoon—sila lang naman talaga ang yumayaman at nakikinabang sa stock market na yan. Mas gusto ko yung mas predictable at mas safe, yung applicable sa karamihan sa atin.
Aber, ilan na ba ang nakilala niyong yumaman at nakapag-retire dahil sa stock market? Ako, wala. Kaya hindi yan ang formula.
- ‘Wag Kalimutan ang Estate Planning
Ayaw nating mag-away-away ang pamilya kapag wala na tayo—nakaka-bad vibes lalo na sa reunion! Kaya:
- Itransfer na ang assets habang maaga.
- Kung medyo may assets kayo, corporation ang gamitin—mas madaling i-transfer ang shares kaysa titulo ng lupa.
True story: Babaero si daddy, kaya si mommy inilipat na lahat ng ari-arian sa mga anak nila para wala nang habol si daddy. Aba, gastusan daw dapat ni daddy ang mga anak niya outside of their marriage. Effective din ‘yun bilang estate-planning hack.
- Anong Retirement Lifestyle ang Gusto Mo?
Akala ng iba, rest day galore forever na. Pero baka long break lang talaga ang kailangan mo.
Example ko: Financially retired ako at 31, pati partner ko.
- Tumigil siya sa trabaho, nagturo lang ng one class a week.
- Puro volleyball—hanggang na-bore at na-depress!
Moral lesson: Hindi lang pahinga ang retirement; dapat may purpose ka rin.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service.
Tandaan: Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent