As I see it, may tatlong klase ng retirement ang meron tayo: una, ang nominal retirement; pangalawa, ang financial retirement; at pangatlo, ang pinakaimportante sa lahat, ang meaningful at productive retirement.
Yung nominal retirement, ito ‘yung edad na itinakda ng gobyerno para sa pagreretiro. Optional sa edad na 60 at mandatory pag 65. Hindi ito tungkol sa well-being natin o sa personal nating choice. Kahit handa ka na mag-retire o hindi pa, sabi ng gobyerno, retired ka na.
Ang financial retirement naman, ibig sabihin nito, sapat na ang passive income mo para sagutin ang mga gastusin mo habambuhay. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho para sa pera. Dito, naeenjoy natin ang bunga ng mga naipon at investments natin.
Sa meaningful at productive retirement, sapat na ang passive income mo na punan ang mga gastusin o lifestyle na pinili mo, PERO pinili mo pa ring magtrabaho ng makabuluhan para sa iyo.
Ang dahilan kung bakit namin nabuo itong tatlong klase ng retirement na ito, ay noong kami ni Edwin, partner ko, ay naging financially retired nung 31 years old kami. Ako, hindi ako tumigil magtrabaho kasi gusto ko talaga ‘yung ginagawa ko.
Siya naman, talagang tumigil siya magtrabaho for a good three years. Nag-volleyball lang siya. Tapos super part-time lang siya sa Ateneo na nagtuturo, ganyan. Enjoy na enjoy siya nung unang three to six months.
Pero after that, parang naramdaman niyang may kulang, naghahanap ng purpose ‘yung katawan niya. Kaya ang ginawa niya, bumalik siya sa pagtratrabaho, pero ‘yung intention niya, hindi na para kumita lang nang kumita, kundi para may fulfillment at purpose sa buhay.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent