was successfully added to your cart.

Cart

Nag-Bitcoin Ako at Kumita ng 36% p.a.. Panalo o Delikado? Alamin ang Nakatagong Katotohanan

Kumusta mga KaSosyo at KaNegosyo! Bilang inyong financial guro, nais kong ibahagi ang aking personal na karanasan sa paglalaro ng Bitcoin. Oo, nabasa ninyo ito nang tama – 36% p.a. ang nakuha kong kita. Ngunit hindi ko pa rin ito irerekomenda sa inyo. Bakit kaya? Basahin ninyo ang blog na ito upang malaman ang aking mga dahilan.

 

Personal experience

Noong May 8, 2022, nagsimula akong “maglaro” ng Bitcoin. Inisip kong ang pagbili at pagbebenta nito ay isang lehitimong pamumuhunan. Sa loob ng ilang buwan, nakapag-ipon ako ng PhP30,000 sa aking mga placement hanggang Nov 9, 2022. Nagbenta ako ng lahat sa presyong PhP37,333 noong April 12, 2023. Ang internal rate of return ko ay 33% at ang effective interest rate ay 36%.

 

Bakit Tumataas ang Bitcoin?

Dahil sa mataas na inflation, ginagamit ang limitadong supply ng Bitcoin bilang proteksyon laban dito. Inaasahan din ang pagbaba ng interest rates mula sa central banks at mayroong general positive sentiment mula sa mga “whales” sa Bitcoin.

 

Dapat Ba Kayong Mag-invest sa Bitcoin?

Ano ang Bitcoin? Ito ay isang uri ng currency payment, ngunit dahil sa sobrang pagiging volatile, hindi ito epektibo. Maaaring mag-imbak ng halaga ang Bitcoin, ngunit ito ay highly speculative at hindi stable. Sa madaling salita, ang Bitcoin ay isang risky na “bet.”

Hindi ito isang pamumuhunan, financial product, asset-backed, mayroong underlying economic activity, o kumikita ng interes o dividend. Kaya hindi ito angkop bilang investment.

Ayon sa Techspot, maaaring umabot sa 250,000 USD ang presyo ng Bitcoin sa 2023 o bumagsak sa 5,000 USD. Sa totoo lang, parang nasa rollercoaster tayo na hindi alam kung saan at kelan babagsak—nakakakaba at hindi talaga mapakali ang sikmura. Sa ganitong kalaking agwat sa mga hula, maaaring maging instant milyonaryo ka o mawalan ng malaking halaga.

Kaya’t isipin niyo na lang na parang naglalaro kayo ng “Deal or No Deal” na walang garantya sa kung ano ang laman ng bawat briefcase. Hindi ito ang tamang formula para maabot ang ating mga life goals, dahil ang buhay dapat pinapgpaplanuhan, hindi pinagsasapalaran.

Crypto failures

Tandaan natin ang mga sumusunod na pangyayari na nagpapakita ng kawalan ng seguridad sa mundo ng cryptocurrency: ang pagbagsak ng stablecoin na TerraUSD at ang support coin na Luna, ang pagsasara ng ilang kilalang kumpanya tulad ng Celsius, Voyager, Three arrows, at Blockfi, at ang kontrobersiya sa FTX.

Lahat ng mga ito ay nagresulta sa pagkawala ng bilyon-bilyong dolyar ng mga maliliit na mamumuhunan. Sa mga ganitong kaganapan, napapatunayan na hindi talaga sigurado ang kapalaran ng iyong puhunan sa cryptocurrency. Kaya mas mainam na piliin ang mga mas ligtas na pamumuhunan para sa ating kinabukasan.

Saan dapat mag-invest?

Payo ko bilang inyong financial guro, mas mabuti pa ring pumili ng mas ligtas at mas maayos na investments. Kasi hindi naman puwedeng puro kaba at excitement, dapat may kasiguraduhan din, di ba?

Ang Bitcoin ay hindi mainam na instrumento para sa mga pangarap at pangangailangan sa buhay tulad ng pagreretiro, emergency fund, pagpapatayo ng bahay, edukasyon ng mga anak, at pagpapaunlad ng puhunan sa negosyo.

Instead na magtiwala sa isang bagay na hindi sigurado, mas mabuti pang magsimula sa mga investments na mas ligtas at mas predictable, tulad ng Pag-IBIG MP2, SSS WISP+, Retail Treasury Bond, Retail Dollar Bond, at maaasahang mga kooperatiba at rural banks. Ang mga ito ay mas secure, consistent, at predictable. Kung gusto mong matulungan ang iyong pamilya at ang iyong sarili na magkaroon ng maayos na kinabukasan, mas mabuting iprioritize ang mga investment na ito kaysa sa Bitcoin.

 

Tandaan, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: