was successfully added to your cart.

Cart

Nadiskubre Mo na Ba ang Nakatagong Epekto ng Rice Tariffication Law?

Mga KaSosyo at KaNegosyo, may bago sa ating agrikultura: ang Rice Tariffication Law. Ano nga ba ito at paano ito makakaapekto sa atin?

 

Naganap ang malaking pagbabago sa agrikultura ng Pilipinas nang ipatupad ang Rice Tariffication Law. Layunin nito ang pagpapalaya sa industriya ng bigas para matugunan ang pangangailangan sa bigas ng bansa at gawing mas competitive ang sector. Pero syempre, may mga pagbabago na nagdulot ng debate tungkol sa mga epekto nito, lalo na sa mga local rice producers at market dynamics.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, pinalitan ang quantitative restrictions sa mga rice imports ng tariffs. Dahil dito, pwede na ang private sectors na mag-import ng bigas. Ang aim nito? Magstabilize ng presyo at supply, para mas mura ang bigas para sa atin, mga Pinoy.

Dahil sa pag-alis ng quantitative restrictions, dumami ang rice imports sa Pilipinas. Dahil dito, madali nang matugunan ang demand sa bigas mula sa iba’t ibang bansa, madalas nga mas mura pa.

Pero, KaSosyo at KaNegosyo, may hamon ito sa ating mga local rice producers. Mahirap silang makipag-kompetensya sa mas murang imported rice. Wala nang protective barrier, so pressured ang ating mga magsasaka sa mas mababang presyo ng kanilang produkto.

Dagdag pa dito, may mga factors tulad ng Russia-Ukraine conflict, rice export ban sa India, at yung pag-fluctuate ng presyo ng global oil na nagdulot ng instability sa market. Sa ganitong sitwasyon, may mga alleged na illegal activities pa, tulad ng hoarding, kaya parang kailangan ng intervention ng gobyerno, kaya naganap ang rice price cap.

Sa huli, bagaman ang Rice Tariffication Law ay may layunin na magbigay ng affordable na bigas sa ating mga Pinoy, ipinapakita nito ang kumplikadong aspeto at mga hindi inaasahang hamon ng market liberalization. Habang ang Pilipinas ay nakikibaka sa pag-ensure ng food security, ang pagkakaroon ng rice price cap ay patunay sa challenging na pagsasama ng policy decisions, market dynamics, at kabuhayan ng libu-libo nating magsasaka.

 

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: