Isang taon na si Ofelia bilang SEDPI KaNegosyo member sa Compostela, Davao de Oro. Noong Abril 2022, nawashout ang kaniyang bahay dahil sa bagyong Agaton. Bihira ang baha sa lugar niya, ngunit maaaring epekto na rin ng climate change ang nangyari. Siya ay isang nanoenterprise na nagbebenta ng chorizo, ukay-ukay online, at marunong din magmanicure at pedicure.
Dahil SEDPI KaNegosyo member si Ofelia, kasama siya sa SEDPI KaTambayayong, isang damayan system na nagbibigay ng PhP5,000 cash at relief goods bilang calamity assistance. Mas mabilis ang SEDPI kaysa sa LGU sa pagbibigay ng tulong, agad naibigay ang calamity assistance kay Ofelia kinabukasan pagkatapos mawashout ang kaniyang bahay.
Ginamit ni Ofelia ang PhP5,000 calamity assistance at PhP14,000 joint venture capital mula sa SEDPI para sa pagpapatayo ng bagong bahay na nagkakahalaga ng PhP30,000. Bagama’t maliit at prone sa disasters, nakabangon si Ofelia. May nakuha din siyang maliit na tulong mula sa LGU. Naniniwala ang SEDPI na dapat agaran ang pagbibigay ng social safety nets sa mga katulad ni Ofelia upang hindi sila mabaaon sa utang at hirap.
Ang ibang microfinance institutions kung saan miyembro din siya, ay walang iniabot na tulong. Dagdag na pautang lang ang ibinigay. Ang kapitbahay niyang nawashout din ang bahay ay nahirapan sa pagkuha ng loan sa bangko, kahit pa matagal na siyang parokyano nito, walang mintis magbayad at may malaking savings. Kailangan daw kasing maipatayong muli ang bahay bago makaulit makaloan sa bangko.
Kumalat sa community ang mabilis na aksyon sa tulong ng SEDPI at naikumpara ang benepisyo at bilis sa serbisyo sa ibang microfinance institutions. Dahil dito, marami ang nagpamiyembro sa SEDPI.
Pero, nandiyan pa rin ang problema ni Ofelia, nasa hazard area pa rin ang bahay niya. Bilang tugon, ilulunsad ng SEDPI ang socialized housing program na SEDPI BALAI communities (Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive) upang mailipat sa safe zones ang mga katulad ni Ofelia.
Nagbabayad si Ofelia ng PhP400 membership fee kada anim na buwan para sa SEDPI KaTambayayong. Kasama rito ang death, funeral, sickness, at accident benefits na pinagdedesisyunan kada taon kung magkano ang makukuha batay sa pondong nakokolekta at paid benefits.
Upang makaahon sa kahirapan, kailangan ang pagtutulungan ng indibidwal, gobyerno, at pribadong sektor. Ang kwento ni Ofelia ay isang patunay na may pag-asa kahit sa gitna ng kalamidad at hirap sa buhay.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent