was successfully added to your cart.

Cart

Isa sa mga pangarap ng bawat pamilyang pamilya ay magkaroon ng bahay. Isa ito sa top 5 financial goals na bunga ng aking pananaliksik. 

Dahil maraming nagnanasang magkaroon nito, minabuti kong magsulat ng mga tips kung paano magkakaroon ng bahay. 

Ayusin ang pamana

Mas maganda kung maaayos ang pamana bago pa mamayapa ang mga magulang. Makakaiwas sa away pamilya kung ito ay pag-uusapan at aayusin habang kaya pang mag-usap-usap ng lahat. 

Malamang kakaunti ang nasa pinagpalang sitwasyon na may mamanaing bahay pero minabuti ko na ring gawin ito dahil isa naman talaga ito sa mga paraan para magkabahay. 

Magsimula at least 5 years bago ang target date

At least limang taon bago ang target date magkabahay, magsimulang pagplanuhan ito at mag-ipon. Ang target amount na iipunin ay katumbas ng 20% ng ipapatayong bahay at lupa. 

Sa loob ng bawat taon 4% ng total amount ang target. For example, PhP2 million ang balak na bahay at lupa. Ang 20% nito ay katumbas ng PhP400,000. 

I-divide ito by 5 years at makukuha ang target ba ipon na PhP80,000 per year. Ang monthly equivalent ay nasa PhP6,667. Di ba kapag pinagplanuhan nang maaga, mas realistic at abot kaya?

Puwede itong ilagay sa MP2 ng Pag-IBIG saka withdrawhin kapag may nakita nang property na bibilhin after five years. 

Kumuha ng Pag-IBIG loan

Gamitin ang naipon sa itaas na pambayad sa down payment ng property. Ang balance na 80% ay i-apply bilang loan sa Pag-IBIG. 

Basahin ang Pag-IBIG Housing loan guide para mapaghandaan ang mga dokumentong kakailanganin. 

“Assume” loan of others

Isang paraan din para magkabahay ay i-“assume” ang housing loan ng iba. Pero kailangang maging maingat dito at siguraduhing legal ang gagawing pag-“assume.”

Dapat maililipat sa pangalan mo ang kontrata at hindi mananatili sa nagpa-“assume.” Kumunsulta sa abogado para maayos ito nang mabuti. 

Kapag in-“assume” ang loan ng iba, para sa akin, dapat ay maibabalik mo sa nagbebenta ang kabuuang naibayad niya, para naman hindi siya malugi. Hindi rin maganda na sobra sa ibinayad niya ang ibibigay mo dahil wala na itong kaibahan kung normal sale ang gagawin mula sa developer. 

Kumuha lamang nito kung pasok sa plano mo at hindi yung nag-speculate lang sa real estate properties. Iwasang bumili sa mga nagfi-flip. 

Foreclosed properties

May mga magagandang opprtunities din kung gagalugarin ang mga foreclosed properties. Pero gaya ng sabi ko, kailangan siguraduhing legal at maayos ang papel ng bibilhing property. 

Make sure na walang nakatira sa foreclosed property. Sa batas kasi ng Pilipinas, korte lang ang makakapagpalayas sa tenant lalo na kung may kaso ang property. 

May mga listahang inilalabas ang mga bangko pati na rin ang Pag-IBIG tungkol dito. Mag-schedule ng “tripping” para makita mismo ang mga properties. 

Make it a rental property

Para hindi mabigat ang magiging pagbabayad sa amortization ng housing loan, you can make your house a rental property. Ito ang ginawa ko noong 2006, nagpatayo ako ng 4-unit apartment, yung isa tinirhan namin, yung tatlo pinaupahan. 

Puwedeng duplex ang ipagawa, yung isa titirhan, ang isa naman ay paupahan. Puwede ring two floors. Second floor sa pamilya mo tapos ang first floor puwedeng parentahan. 

Start early and plan earlier

Ang bahay ay isa sa mga high ticket items na bibilhin natin para magkaroon ng sense of security. Ito kasi ay isa sa mga basic needs natin. 

Madali itong magagawa kung magsisimula nang maaga at pagpaplanuhan nang mas maaga.

 

Gusto mo bang mapag-aralan pa ang tungkol sa estate planning? Sumali sa Retirement and Estate Planning Webinar sa December 8 and 15, 2023

Details at http://vincerapisura.com/webinars. Mag-register na sa https://bit.ly/rpwebinar-register

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: