Hindi lang puro saya at benepisyo ang dala ng Sovereign Wealth Funds (SWFs). Parang sa love, may mga kontrobersiya rin itong kasama. Sa blog post na ito, alamin natin ang mga issue na karaniwang kinakaharap ng SWFs – mula sa kakulangan ng transparency, hanggang sa risk ng political interference at global financial instability.
Teka lang, parang kumplikado na ah?
Lack of transparency
Ang mga Sovereign Wealth Funds ay madalas na binabatikos dahil sa kakulangan ng transparency sa kanilang mga operasyon. Halimbawa na dito ang Libyan Investment Authority (LIA) na maraming beses nang nagkaroon ng alegasyon at legal actions dahil sa mismanagement at korapsyon.
Ganito rin ang nangyari sa China’s Investment Corporation (CIC), na maraming beses nang binatikos dahil sa kakulangan ng linaw sa kanilang investment strategy at performance. Parang blind item sa showbiz, may mga gawain silang hindi nila ibinubulgar sa publiko.
Risk of political interference
May risk din na magamit ang SWFs para sa politikal na mga rason. Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF), halimbawa, ay itinuturing na isang state policy tool para sa geopolitical influence, kaysa maging isang independent financial institution para sa profit maximization. Ganito rin ang sitwasyon sa Qatar Investment Authority (QIA), na malapit na malapit ang koneksyon sa ruling family, kaya marami ang nagdududa sa kanyang independence. Parang hindi na natin alam kung sino ang puppet at sino ang puppeteer.
Risk in global financial stability
Ang malalaking SWFs, gaya ng Norwegian Government Pension Fund Global (GPFG) at Saudi Arabian Monetary Authority (SAMA), ay maaaring magdulot din ng risk sa global financial stability. Sa laki ng kanilang investment, malaki ang epekto ng kanilang mga desisyon sa global markets. Para silang big wave sa dagat, na kapag dumating, siguradong malalaglag ang lahat.
Learn from SWF mistakes
Sa kabila ng mga benepisyo na maaring idulot ng SWFs, hindi maikakaila na may mga kontrobersiya itong dala. Kailangang isaalang-alang ito ng mga pinuno ng Pilipinas para hindi na natin ulitin ang mga pagkakamali ng ibang bansa.
Sa huli, kailangan ding maging alerto ng taumbayan lalong-lalo na yung mga nadadala sa mga matatamis na pangako, pero ending drawing naman hindi nagkatotoo. Kaya tandaan, “All that glitters is not gold.” Baka glitter lang pala yan, hindi gold.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent