was successfully added to your cart.

Cart

Mga dapat ihanda financially tuwing may bagyo

By November 29, 2019 Financial Plan

Bagyo ang pinakamadalas na kalamidad sa Pilipinas. Taon-taon, dinadalaw tayo ng humigit kunulang sa 20. Kayao bago pa man dumating, dapat ay handa na tayo financially sa mga negatbong epekto nito.

Malaking pinsala ang maaring idulot nito sa atin kaya kailangan nating paghandaan, lalung-lalo na’t palakas nang palakas ang mga ito dahil sa climate crisis.

Insurance

Dahil given na sa buhay ng bawat Filipino sa Pinas ang bagyo, kinakailangang kumuha ng insurance bilang proteksyon sa maaring pinsalang maidulot nito. Kumuha ng insurance na akma sa proteksyong kinakailangan.

Bago pa dumating ang bagyo, dapat ay may property insurance na kung may ari-ariang kailanhan nito. Mas mataas din ang probabilidad na magkasakit kapag may bagyo kaya magandang may health insurance coverage sakaling tamaan ng pagkakasakit.

Ang worst case scenario ay mapabilang sa mga casualties ng bagyo. Kapag may dependents, kinakailangang kumuha ng life insurance para anu’t-ano pa man ang mangyari, may income replacement sakaling ikaw ay yumao. May sasalo sa financial responsibilities na iiwanan para sa kinabukasan ng mga deoendents.

Cash

Napakahalagang may dala-dalang cash kapag may bagyo. Maari kasing mawalan ng kuryente ng ilang araw at hindi gagana ang mga ATM o kaya credit cards.

Maghanda ng sapat para sakaling kapusin ang privisions na inihanda bilang paghahanda sa bagyo ay may mabubunot agad pambili.

Secure financial documents

Ingatan at isecure ang mga financial documents tulad ng mga titulo ng lupa; mga kontrata; mga bank documents tulad ng passbook, tseke, bank statements, certificate of time deposit; investment documents tulad ng certificate of stocks or bond; income tax returns at iba pa. Ilagay ang mga ito sa water proof na envelope at isilid sa kaha de yero o safety boxes.

Dagdag din na isecure ang personal documents tulad ng passport, birth certificate, NBI clearance at iba pang mahahalagang dokumento.

Maging laging handa

Preparedness o ang paghahanda bago pa dumating ang bagyo ang isa sa pinakamabisang paraan upang mabawasan ang negatibong dulot nito. Kaya hope for the best, but prepare for the worst.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: