Mga KaSosyo at KaNegosyo, usapang healthcare contributions tayo ngayon sa Pilipinas. Mainit na usapan ngayon ‘yung fairness ng premiums na binabayaran ng bawat isa sa atin, ano? Lalo na sa bagong scheme ng PhilHealth, importante na ma-gets natin kung paano kinacalculate ‘yung premiums at kung proportional ba ito sa kita ng bawat tao. Tara, silipin natin ‘yung mga numero at alamin ang kwento sa likod nila.
Ang Problema sa Salary Cap
Sa 2024, itinakda ng PhilHealth ang salary cap para sa computation sa PHP 100,000, ibig sabihin, kahit lampas ka pa rito, ang premium mo ay base pa rin sa cap na ito. Dito ako napailing.
Kunwari, ang isang CEO, kumikita ng PHP 250,000 kada buwan. Sa premium rate na 5%, aakalain mo PHP 12,500 ang monthly contribution niya, ‘di ba? Pero dahil sa salary cap, ang computation ay itinuturing lang ‘yung 5% ng PHP 100,000, so ang monthly contribution ay PHP 5,000 lang.
Pantay-Pantay Ba Talaga?
Pag inanalyze natin ‘tong mga numero, mapapansin natin na mas maliit na fraction ng actual income ‘yung contribution ng CEO kumpara sa minimum wage earner. ‘Yung CEO, effectively nagbabayad lang ng 2% ng kanilang monthly income, samantalang ‘yung minimum wage earner, solid na 5% ang contribution.
Ang tanong, pantay ba ang kontribusyon ng mayayaman sa mahihirap? Equitable ba talaga ang sistemang ito? Binubuksan nito ‘yung usapan tungkol sa proportional contributions at kung ang current cap ba ay nagpo-promote ng fair na distribution ng financial responsibility para sa healthcare.
Ito ang rekomendasyon ko sa premium rate structure na mas equitable para sa PhilHealth contributions na aligned sa prinsipyo na “ang mayayaman, tumutulong sa mas nangangailangan.” Ito ay siguradong progressive approach, ‘yung mas malaki ang kita, mas malaki ‘yung porsyento ng contribution nila. Ginawa kong basehan ang taxable income range ng Bureau of Internal Revenue at layunin nitong gawing mas fair ang sistema ng healthcare contributions.
Monthly Income | Premium Rate |
PHP 20,000 | 5% |
Up to PHP 30,000 | 6% |
Up to PHP 65,000 | 7% |
Up to PHP 165,000 | 8% |
Up to PHP 665,000 | 9% |
Over PHP 665,000 | 10% |
Patungo sa Mas Makatarungang Healthcare
Sa paghimay natin sa mga numerong ito, kailangang dapat pag-usapan ang equitable PhilHealth contributions. Ideally, ‘yung progressive contribution system, hihingi ng mas malaki sa mga kayang magbigay, para gumaan ‘yung pasanin sa mga may mas kaunting means.
Kailangan natin ng mas malalim na diskusyon at reflection kung paano dapat ang structure ng healthcare contributions para ipakita ang fairness at shared responsibility. Ito ay para siguraduhing lahat ng Pinoy ay makakakuha ng quality healthcare na hindi sobrang unfair sa financial health ng hindi gaanong mayaman.
Dahil ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent