Ano nga ba ang mga karaniwang pagkakamali o regrets ng mga retirees? Una, hindi sila nag-ipon nang sapat at umasa na lang sa SSS at GSIS. Pangalawa, hindi nila nabayaran ang kanilang mga utang bago mag-retiro. Ito ang mga pangkaraniwang regrets na nakikita ko.
Sa GSIS, halimbawa, madalas kong marinig mula sa mga kaibigan ko na nagtatrabaho doon, na kapag nag-retiro ang isang government employee, madalas siyang may malaking utang. Kaya naman, kapag dumating na ang oras ng kanilang retirement, bawas agad ang utang sa kanilang retirement money, at ang tira na lang ang ibibigay sa kanila, kung meron pa…
Pagdating sa SSS, may lump sum na 18 months, habang sa government, 60 months. Pagkatapos, may monthly pension na. Madalas, konti na lang ang natitira sa 5 years na lump sum. Kaya naman, kailangan pa rin nilang magtrabaho habang hinihintay ang kanilang monthly pension. Kaya, main message dito: iwasan ang pagkakaroon ng utang.
Ngayon, usap naman tayo tungkol sa kahalagahan ng retirement plan. Ang goal nito ay para masiguro ang financial security at stability habang namumuhay nang masaya at fulfilled. Pero, hindi naman kailangan hintayin pa ang retirement para maging masaya at fulfilled.
Marami sa atin iniisip na “Sasaya lang ako kapag hindi ko na iniisip ang pera.” Pero kahit ako, na financially retired na, iniisip ko pa rin ‘yan. Lahat tayo nakaramdam ng kaba nung pandemic, di ba? Pero, desisyon natin kung paano tayo magiging masaya at fulfilled, retirement man o hindi.
Hindi retirement ang kasagutan sa lahat, at hindi ito ang ultimate goal. Tingnan n’yo si Edwin, ang aking better half, nung nag-retire siya, nalungkot siya at nadepress. Need kasi natin ang purpose sa buhay, hindi enough na financial lang.
Mahalaga ang retirement planning para maging independent tayo pag retire na. At isang malaking consideration dito ay ang longevity risk. Dati, 60-65 years old lang ang life expectancy. Ngayon, 70-72 na, at baka sa panahon natin, umabot na sa 80s. Kaya, kung mag-retire ka ng 60, kakasya ba ang retirement savings mo for 20 years?
Isa pang aspeto na dapat paghandaan ay ang healthcare costs. Isa sa mga strategy ng iba ay lumipat sa bansang may maayos na healthcare system. Pero, ilan lang ba ang may kakayahang gawin ‘yun?
Mahalaga rin na isipin ang family dynamics, inflation, at kung gusto mong mag-iwan ng legacy. At syempre, para sa peace of mind, lalo na kung gusto mong mag-early retirement.
Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent