Status symbol ang pagkakaroon ng credit card. Pero kung hindi natin nagagamit nang tama, magdudulot ito ng masamang epekto sa ating financial status dahil mababaon sa utang na napakataas ng interest.
Read: Tamang gamit ng credit card
Access sa loan
Kung ang akala mong pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng credit card ay para makakuha ng loan, nagkakamali ka. Ang credit card ay ginagamit bilang cash replacement o hindi para makakuha ng loan o utang.
Sa totoo lang, ang rule sa paggamit ng credit card ay kung hindi mo kayang bayaran ng cash ang isang bagay, hindi mo dapat ginagamit o ikinakaskas ang credit card mo. Tandaan na dapat binabayaran nang buo ang statement balance ng credit card at walang natitirang balanse dito dahil mataas ang interest na ipapataw sa maiiwan na balance.
Wala kang “K” mag-credit card kung may naiiwan na sa credit card balance mo at ito ay napapatawan ng mataas na interest. Malaking setback ito sa pag-aayos ng iyong financial status.
Instant gratification
Napakadaling gamitin ng credit card. Kaskas dito, kaskas doon at, Voila! Sa iyo na ang pinamili mo.
May spending problem ka kapag ginamit ang credit card pambili ng wants tulad ng gadget, bakasyon, bagong damit o sapatos o iba pang bagay na hindi mo naman kailangan; at hindi mo ito nabayaran nang buo pagdating ng due date.
Hindi ka makapaghintay na makaipon muna bago bilhin ang gusto mo. Kating-kati ka na magkaroon nito kahit pa mataas na interest ang babayaran mo basta ma-enjoy mo na ang mga ito ngayon.
Instant gratification ang tawag diyan.
Ang solusyon ay ang kabaliktaran – delayed gratification. Pagplanuhang mabuti kung ano ang gustong bilhin at pag-ipunan ito o di kaya’y gawin ang mas tama – ang mag-invest muna at ang passibe income na kikitain nito ang siyang gagamitin para pambili ng wants.
Hindi kayang bayaran sa cash
If you find yourself in a situation wherein, hindi mo kayang bayaran ang isang bagay ng cash at ikinaskas mo ang iyong credit card, maling gamit ito nito. Uulitin ko na dapat ang ikakaskas mo sa credit card ay kaya mong bayaran nang buo pagdating ng due date nito.
Minimum amount due lang ang binabayaran
Sinubukan kong i-simulate kung minimum lang ang babayaran sa total amount due tuwing billing cycle ng credit card. Ginamit ko ang karaniwang minimum amount due na 5% ng total amount due at 3.5% interest rate sa matitirang balanse.
Aabot sa 60 years bago mo mabayaran ang total amount due!!!
Kaya maling-mali ang paggamit sa credit card kung minimum amount due lang kada billing cycle ang ginagawa mo. Makulit, pero uulitin ko na naman para may maigting na emphasis – kailangang bayaran mo ang total amount due ng credit card mo kada buwan.
Late magbayad
Doble sakit sa ulo kung minimum amount due na nga lang ang binabayaran mo tapos late ka pa magbayad. Sa ganitong sitwasyon, mas lalaki pa ang balance mo sa credit card dahil bukod sa interest na babayaran mos a balanse, papatawan ka pa ng late penalty charge na karaniwang nasa 5% ng total amount due.
Kaya always make sure na on time ka magbayad sa credit card mo. Maglagay ng alarm sa cellphone mo one week before ng due date mo para siguradong nakakabayad ka ahead of time.
Advisable din na mag-sign up ka sa kanilang text or email reminders para kahit hindi dumating on time ang credit card statement mo mula sa snail mail ay alam mo kung magkano ang total amount due for that billing cycle at mababayaran mo ito on time.
Napapadami ang gastos
Dahil madaling ikaskas ang credit card, hindi natin namamalayan ang gastos. Kaya marami, lalo na ang mga baguhan nito, ay naikakaskas ito nang sobra sa kanilang kakayahang magbayad at nagiging sanhi ng pagkakabaon sa utang.
Nagiging ugat din ito ng bad spending habits. Kaya dapat napakataas ng iyong mindfulness sa pagkaskas ng credit card.
Para sa mga baguhan, ugaliing bayaran agad ang naikaskas kahit wala pa sa due date. Maari itong gawin sa Internet banking at maging sa mobile money. The moment na may napalampas kang due date at nagbayad ka ng interest sa credit card, it is time to rethink whether a credit card is really for you.
Laging maxed out
May credit limit na ibinibigay ang credit card company na amount kung hanggang magkano ang puwedeng ikaskas. Noong una akong nagkaroon ng credit card, PhP30,000 ang aking credit limit. Ngayon nasa PhP2 million ang aking credit limit.
Kapag lumalampas ka ng kaskas sa iyong credit limit, nagpapataw ang credit card company ng over credit limit fee. Para maiwasan ito, kailangang meron kang awareness kung magkano pa ang available sa credit limit mo para hindi ka lumampas.
Revolving credit naman ang credit limit. Ibig sabihin ang bahaging mababayaran mo sa amount due ay maibabalik sa iyong credit limit. Kaya kung may inaasahan kang big purchase, bayaran mo ang ibang balance para magkaroon ng space sa credit limit mo.
0% instalment na walang discount
Nakakaenganyo ang mg 0% installment ng mga credit cards. Pero kung may makukuha kang cash discount instead na i-zero installment mo ang bibilhin, mas advantage ka pa rin kapag binili mo ito ng cash.
Read: Kailan sulit ang 0% credit card installment
Handle with care
Malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng credit card kaya dapat ito ay pag-ingatan. Magandang magkaroon nito kung tama ang ating paggamit at hindi inaabuso.
Always remember that using your credit card is accessing a loan na may mataas na interest kapag hindi mo nabayaran on time. Mas mapapalayo ka sa financial freedom mo kung nagbabayad ka ng mataas na interest sa credit card.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent