was successfully added to your cart.

Cart

Maharlika Investment Fund Balancing economic growth and public trust

Ang Maharlika Investment Fund (MIF), na kamakailan lang ipinanukala sa Senado at Kongreso, ay parang bagong teleserye na nagbibigay ng malaking kaba at kaunting excitement sa atin! Layunin ng Maharlika Fund na iangat ang ekonomiya natin through strategic infrastructure projects. Yes, pwedeng maging susi para sa development natin amidst ng mga global economic uncertainties.

Pero huwag muna tayo magpahype, dahil may mga malalaking issues at concerns pa dito na dapat nating malaman at bantayan – gaya ng governance, transparency, source of funding, at ang kawalan ng clear na guidelines sa investment.

Sa kabila ng ganitong issues, pinush pa rin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing urgent ang bill. Kailangan daw bilisan ang pagpasa nito. As a financial guro, here are my recommendations para talagang masulit ng karaniwang mamamayang Pilipino ang Maharlika Fund.

 

Strengthen existing government institutions

Dapat mapalakas ang existing government institutions natin para mas effective sila in fulfilling their mandates. Ang approach na ito ay makakatulong na maiwasan ang duplication ng efforts at mas maging effective and efficient.

Iwasan dapat ng Maharlika Fund na mag-invest sa areas kung saan may kakayahan na ang ibang government institutions na mag-deliver ng results. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang redundancy at magiging mas efficient ang allocation ng public funds.

 

Mabuting governance

Tulad ng ating puso, dapat nasa core rin ng Maharlika Investment Fund (MIF) at Maharlika Investment Corporation (MIC) ang strong governance structures. Dapat may culture of professionalism, transparency, at accountability, na may mga checks and balances para maiwasan ang mismanagement o misuse of funds.

Itong foundational recommendation na ito, kung maipapatupad sa operations ng Maharlika Fund, ay magboboost ng confidence ng publiko at investors both domestically and internationally.

 

Enhanced transparency

Importante sa Maharlika ang enhanced transparency, dahil malaki ang perang nakataya at malaki rin ang public interest dito. Dapat maging requirement sa fund na mag-provide ng regular, comprehensive, at publicly accessible reports ng mga activities, investments, at returns nito. Ang transparency measures na ito will serve as a deterrent against corruption and will also create a sense of public trust and accountability sa management ng fund.

 

Draw funds from GAA and private sector

Upang maibsan ang mga concerns sa source of funds, dapat na manggaling ang pondo ng Maharlika Fund mula sa General Appropriations Act at contributions galing sa private sector. ‘Yung mga existing financial institutions natin, gaya ng Land Bank, Development Bank of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas, at ‘yung surplus ng GOCCs, ay may kanya-kanyang roles na. Kulang pa ang mga kinikita ng mga ito para gampanan ang kanilang mandato. Kaya crucial na idiversify at iclarify ang financial structure ng Maharlika fund para maensure ang viability nito at mareassure ang mga stakeholders.

 

Clear investment guidelines

Importanteng step para sa Maharlika Fund ang pag-establish ng clear investment guidelines. Dapat detalyado ang mga guidelines na ito, at aligned sa overall economic goals at sustainability principles ng bansa. Para masiguro ang effective at timely execution, dapat magconcentrate ang Maharlika Fund sa maximum na tatlong specific investment projects per year lang. Sa ganitong paraan, may focus, maiiwasan din ang pagsasabay-sabay ng mga projects na hindi matapos-tapos.

 

Gradual implementation

Dapat gradual lang ang implementation ng Maharlika Fund, para may room tayo for improvements based on real-time learning at feedback. Ang maingat na approach na ito can help us manage risks, handle unintended consequences, at gawing mas adaptable ang fund in a dynamic economic landscape. Kaya ang paspasang pagpasa ng batas na ito ay maaring maging red flag dahil kulang ang panahon sa pagsusuri at paghahanda.

 

Checks and balances

Ang pag-include ng regular external audits at oversight sa operational structure ng Maharlika Fund can provide another layer of checks and balances. Dapat gawin ang mga audits na ito ng mga reputable external entities. Sa totoo lang, ito rin ang magrereinforce sa good governance at transparency sa management ng fund.

 

Take time to develop the Maharlika Fund

Ang pag-establish ng Maharlika Fund ay isang mahalaga at kinakailangan hakbang sa pasulong ng ekonomiya ng Pilipinas, lalo na sa harap ng current global economic challenges. Pero, dapat mabalanse ang initiative na ito with the implementation of robust safeguards para mamaintain ang financial stability at maprotect ang public interest.

Hindi lang nakasalalay sa establishment ng Maharlika Fund ang success nito. Umpisa pa lang yan. Kailangan din ng prudent at transparent na management. Kaya dapat nitong magnavigate sa isang complex na economic landscape habang minamaintain ang trust at pinapakita ang fiscal responsibility. Ang mga rekomendasyong ito ay naglalayong iguide ang Maharlika Fund towards achieving its economic goals at maintaining public trust.

 

Take your time. Tandaan, ang taong tumatakbo nang matulin, kung matinik malalim.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: