Isang bagong mukha sa larangan ng ekonomiya ng Pilipinas ang House Bill No. 6398, mas kilala bilang ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Sinertipikahan ito bilang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para magsilbing pampasigla sa ekonomiya at kaunlaran ng Pilipinas sa pamamagitan ng strategic at high-impact infrastructure projects.
Ang layunin ng Maharlika Investment Fund (MIF) ay mapabilis ang paglago ng ekonomiya sa gitna ng nagbabadyang pagbaba ng global growth projections. Sa kasalukuyan, maraming hamong kinakaharap ang global economy, kasama na ang inflation, fluctuating prices ng crude oil dahil sa patuloy na tensyon sa Ukraine at Russia, at ang mga patuloy na interest rate hikes sa international financial sector.
Sa tingin ng pangulo, ang fund na ito ay magpapasigla sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapabilis sa implementasyon ng malalaking infrastructure projects. Ang urgent certification ay nagpapahintulot na malampasan ang normal na legislative process, na nangangailangan ng pagbasa at deliberasyon sa tatlong magkaibang araw. Sa ganitong paraan, mas mabilis na maipapasa ang bill, ngunit may risk na hindi sapat ang oras ng mga mambabatas na basahin at pag-aralan ang mga mungkahing hakbang.
Maharlika Investment Corporation
Ang Maharlika Investment Fund (MIF) ay pamamahalaan ng Maharlika Investment Corp. (MIC). May kontrobersyal itong probisyon puwedeng maging miyembro n board of directors ang mga dayuhan.
Ayon kay Rep. Arlene Brosas ang probisyog ito sa Senate version ay magbibigay ng kapangyarihan na kontrolin ng mga dayuhan ang ating resources. Ayon naman kay Rep. France Castro, dahil sa discretionary powers na binibigay sa mga board of directors, maaring magamit ang MIC sa money laundering.
Pondo para sa Maharlika Investment Fund (MIF)
Inaasahan na makakakuha ng initial capital ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) mula sa mga government financial institutions tulad ng Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Subalit, may mga nagsasabing inaagaw ng MIF ang pondong nakalaan para sa mga magsasaka at microenterprises mula sa LBP at DBP.
Muli ding ibinalik ng Senate bill ang mga pension fund tulad ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), at Pag-IBIG bilang potensyal na mga investor sa MIF. Ang inilagay ng probisyon sa panukalang batas ay voluntary at hindi mandatory ang pagsali ng pension fund sa MIF. Maalalang matindi ang naging negatibong reaksyon ng publiko rito dahil malalagay sa panganib ang pera ng taumbayan for retirement.
Dagdag pa rito, iminungkahi rin ng bill ang taunang kontribusyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pang government-owned gaming operators. Dapat tandaan na ang pagdadivert sa pondo ng PAGCOR papuntang Maharlika Fund ay nangangahulugang mababawasan ang pera para sa emergency assistance para sa mga biktima ng kalamidad at social amelioration para sa mga mahihirap na siyang mandato nito.
Inaasahan na makakakuha rin ng karagdagang pondo ang Maharlika Fund sa pamamagitan ng Initial Public Offering (IPO) sa Philippine Stock Exchange. Nangangahulugang ito ay magiging available sa publiko o sa private sector.
Concerns and criticisms
Si Senadora Risa Hontiveros, isang kilalang kritiko ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill, ay nagpahayag ng kanyang mga agam-agam ukol sa mabilis na pagpasa at posibleng epekto nito. Tinukoy niya ang pagkaubos ng kita mula sa Malampaya oil and gas fields at ang hindi pa naipapasa na batas na layuning palakasin ang kita ng gobyerno mula sa mga operasyon ng pagmimina.
Nagbabala rin siya laban sa paggamit ng pondo ng LBP at DBP na posibleng magdulot ng negatibong epekto sa mga magsasaka at maliliit na negosyo. Binanggit din ni Hontiveros ang mga potensyal na panganib ng paggamit ng mga pondo ng Bangko Sentral, na mahalaga ang papel sa pagstabilize ng palitan ng peso sa dolyar, pagtaas ng presyo, at pagtaas ng interest rate sa mga utang.
Ang Makabayan Bloc sa House of Representatives, isang koalisyon ng mga maka-kaliwang mambabatas, ay hindi rin nanhimik tungkol sa kanilang mga alalahanin sa isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF).
Ang sentral na tema ng kanilang kritisismo ay ang potensyal na kakulangan ng transparency ng MIF. Dahil sa laki ng pondong pamamahalaan nito, malaki ang posibilidad na maimpluwensiyan ng political interests.
Tinanong din nila ang pangangailangan sa paglikha ng isang bagong fund, gayong may mga ahensya na ng gobyerno na maaaring ma-restructure o ma-optimize upang mapatupad ang layunin ng Maharlika Fund.
Karagdagan pa, ipinahayag ng Bloc ang kanilang takot na maaaring magamit ang MIF bilang isang kasangkapan para sa political patronage, na potensyal na magdudulot ng korapsyon dahil ang malalaking halaga ng pampublikong pondo ay mapapasailalim sa kontrol ng iilang indibidwal lamang.
Bagong pagkakataon sa pag-unlad o bagong pangamba?
Ang paglikha ng Maharlika Investment Fund (MIF) ay may mga potensyal na benepisyo at mga alalahanin. Habang ito ay maaaring magdulot ng bagong pagkakataon para sa pagpapaunlad ng bansa, mayroon din itong mga potensyal na risks lalong-lalo na sa Pilipinas na mataas ang korapsyon at palasak ang political dynasties.
Mahalagang matiyak ng mga mambabatas at ng publiko na ang may mga hakbang na isinasagawa para sa isang Maharlika Investment Fund na matuwid, transparent, at sa interes ng karaniwang Pilipino ang nangingibabaw, hindi ng iilang pamilya lamang.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent